Chapter 5

20 0 0
                                    

Chapter 5

Kaylee’s POV

Two weeks had passed, I’m done with the enrolment and here I am preparing for school. Hell yes it is the first day of school. Simula noong nakasabay ko sa elevator si boy-parking lot ay di ko na din ito nakita. Mabuti naman yun at sana di na magtagpo pa ang landas namin. Ewan ko ba kung bakit parang naiinis ako sa kanya. Para lang akong ewan kapag naiisip ko yun at bigla akong maiinis. I know it’s weird and ang babaw ko para mainis sa kanya.

‘Bakit ka nga ba naiinis sa kanya? Bukod sa pang-aagaw nito ng space sa parking lot ano pa nga ba ang dahlian? Naiinis ka lang kasi hindi siya kabilang sa mga lalaking atat na magpakilala sa’yo. Naiinis ka kasi hindi ka niya pansin. You’re so poor Naveen.’ What the hell! No no no! That’s impossible of course. Ano ba naman letseng konsensiya na’to! Tsk

And why the hell I became poor if that guy doesn’t even get affected towards me? There are a lot of guys out there and he’s just another boy who doesn’t need to give value, attention or bullshit. Err. This is OA.

Makapasok na nga at makikipag-chikahan pa ako sa mga bruha. I was 30 minutes early; it was 8:30 am when I arrived at the school. Okay parking lot here we go again. Eto na naman eh! Alam mo yun magpapark na nga ako tapos may magpapark din ibang kotse. Pasensiya na kayo kay author kasi puro parking lot ang scene hahaha.

Bumaba na talaga ako ng kotse para komprontahin yung driver ng bulok na kotse na yun. Hah! Ang daming space tapos dito pa siya sa favourite space ko. Tumapat sa driver’s seat at kumatok sa tinted nitong salamin. Di man lang bumaba. Ka-aga aga ganito agad ang eksena letse oh.

Di pa ito nakakababa sa kotse ay nagsalita na ako. “Pwede ba nakikita mo na ngang dyan ako magpapark tapos aagawan mo pa ako!” Singhal ko sa kanya habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa bewang ko. Pagkababa nito ay napaurong ako. Eh sa tangkad ba naman ng kumag na’to.

“Di kita inaagawan miss. Bakit pagmamay-ari mo ba yang space na yan?” Akala ko talaga mayroon na naman boy-parking lot the second, pero mas lalo talaga akong naiinis ngayon. For the second time around, this can’t be and I wouldn’t allow it to happen again.

“Hindi! Pero diyan ako magpapark! Ano bang problema mo hah. Noong una sa parking lot ng mall tapos eto ka na naman. Nagpapapansin ka masyado mister!” Nakakabanas to!

“Woah there. Sino ka ba? Do I know you? At anong parking lot sa mall? FYI di ko kailangan magpapapansin sa isang tulad mo.” Kampante nitong pagkakasabi. Okay relax Naveen. Napapikit ako sa sobrang inis. Masisira ang poise.

“Ang yabang mo! Kunwari ka pang nakalimutan mo yung pang-aagaw mo ng space sa akin sa parking lot ng mall! Pwede ba tanggalin mo na lang yang nakaharang mong bulok na kotse.” Naiiritang sagot ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Bwiset to.

“Bulok ang tawag mo dito?” Di makapaniwalang tanong nito habang nakaturo sa kanyang kotse. Di ko na lang siya pinansin at bumalik na sa kotse ko. “And what if I don’t?” Kasunod na sabi nito at bigla akong napatingin sa kanya. Inuubos talaga nito ang pasensiya ko. Pangit na pangit pa ang ugali! Grr!

“What?” I asked him even I knew what he’s pertaining to.

“Bakit di na lang yung sa’yo ang tanggalin mo dyan. Nakakasagabal lang eh. In fact mas mukha pang bulok yan.” Fuck. Did he just say that? Two months ko pa lang nagagamit to ah! Kakabili lang nito tapos sasabihin niyang mas bulok ang kotse ko. Hell!

“Sagad ka sa kayabangan! Kala mo—” Hindi ko man nakuhang tapusin ang sasabihin ko ng biglang may tumawag mula sa likuran ko.

One Day the Playgirl Fell In Love--On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon