Chapter 9

11 0 0
                                    

Chapter 9

Yu’s POV

Pagkahatid ko kay Naveen ay dumiretso na ako sa kotse. Baka naiinip na yung pasaway na bata na yun.

Sobrang saya ko talaga. Hindi ko maipaliwanag ito. Para akong bading kanina na hindi mawala-wala ang ngiti. Masisi ko ba ang sarili ko kung kasama ko si Kaylee. At may bonus pa na kiss.

“Bilisan mo nga kuya. Makangiti naman ito wagas.” Sumigaw na. Ang atat naman ng kapatid ko na ito.

“Huwag mong sirain mood ko.”

“Ayun si Ate Nav oh, pauwi na pala.” Tumingin naman ako sa tinuro nito. Asar na tumingin ako ulit sa kapatid ko. Sumakay na ako sa kotse.

“Pinagti-tripan mo ba ako? Gusto mo iwan kita dito?” Nak ng. Wala naman pala. Ang tanga ko din bakit di ko ba naisip na agad agad din makakaalis yun kasi naka-kotse. Masyado akong nadadala pag naririnig ang pangalan niya. Kabadingan mo na naman Yu!

“Syempre ayoko. Paandarin mo na yan. Gusto ko ng magpahinga.” Maka-utos naman ito para lang akong driver niya.  Nagdrive na ako pauwi.

Bumisina ako pagkatapat namin sa gate at agad naman itong binuksan. Nagtaka pa ako ng pagpasok ay may naka-park na kotse. Kotse ng magaling naming tatay.

“Umuwi na.” Nag-aalalang sabi ni Aira na tinutukoy ay ang ama namin. Alam kasi nito na hindi kami magkasundo ni dad noon hanggang ngayon. Sigurado galing yun sa business trip. Masyadong busy sa pagpaparami ng pera.

I tighten the grip on the steering wheel. Ng mai-park ko na ang kotse ay pumasok na kami sa loob.

“Hi dad!” Bati ni Aira sabay halik sa pisngi ng ama.

Nabigla pa ito at yumakap sa kanyang anak. “Nandyan na pala kayo. How are you baby?” Nakatayo lang ako dun malapit sa pinto at nakatingin sa kanila.

“Okay lang naman. Kadarating mo lang ba dad?” Tumango lang ito bilang sagot sa tanong ni Aira at bumaling sa akin.

“Iho. Kamusta ang pag-aaral mo?”

“Ayos lang. Punta na akong condo. Welcome back.” Walang gana kong sagot.

“Kumain ka muna. Sumabay ka na sa amin.”

“Huwag na.” Tipid kong sagot.

“Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako? Ayokong habang buhay ay magtrutuhan tayo ng ganito.” Malungkot nitong sagot.

“Wala. Kasi kahit anong gawin mo hindi na din naman maibabalik si mommy di ba! Ng dahil sa ginawa niyo nun kaya nawala siya!” Hindi ko na mapigilan ang galit ko. Nakita kong naiiyak na si Aira.

“Masakit din para sa akin na mawala ang mommy niyo. Sana isipin mo na hindi ko iyon sinasadya. Nagsisisi din ako Yu. I am doing this now for us to be happy and to be a family again.”

Ayoko ng marinig ng kahit ano pang paliwanag niya. Paulit-ulit na lang din. Umalis na ako at mabilis na pumunta sa kwarto. Pagkapasok ay agad akong humiga sa kama. I looked at the bedside table. Nakalagay doon ang picture ni mommy. Kinuha ko iyon at tinitigan. Mas lalong sumisiklab ang galit sa dibdib ko tuwing nakikita ko yung mga ngiti niya. Yung mga ngiting kahit kailan ay hindi na namin makikita. It’s been 8 years since she died.

I was 13 years old then when I saw how they fight for one thing. And that was also the time when our mother first knew about dad’s son from the other woman. I was just a year older with that child. Inilihim niyang lahat ng yun. All along we knew that mom just died because she’s sick. Just after 3 years when she knew my father’s secret, she died. And last 2 years when my father confessed to us that he has another son.

One Day the Playgirl Fell In Love--On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon