Chapter 8

14 1 0
                                    

Chapter 8

Kaylee’s POV

Pagkalabas sa cafeteria ay nagtanong na ang mga kasama ko na para bang may isang malaking krimen akong nagawa.

“So close pala kayo ni Yu? At hindi mo lang sinasabi sa amin. O baka naman ex mo na yun?” usisa ni bakla.

“Paano kayo nagkakilala ni Yu? Ano ba yan Nav! Nakakainggit ka. Matagal ko ng crush yun eh. Pero don’t worry now that we knew about you and Yu…” Nag-pause pa si Rachel at tumawa kami. “Magka-rhyme pa talaga o di ba ‘YOU and YU’. Anyway, hanggang pagnanasa na lang talaga kami. Hindi namin siya aagawin sa’yo.”

“Anong hindi aagawin. Ako ang aagaw sa kanya.” Mataray na singit ni bakla. Nagtawanan lang kami. Nakakatawa naman ang mga ito, kung makapag-assume naman para talagang may something sa amin ng kumag na yun.

“Teka lang.” Awat ko sa kanila habang pinipigilan pa ang tawa ko. Humarap ako sa kanila. “Hindi kami close ni Yu, hindi ko siya ex, at walang something sa amin… Kaya no worries Michaela. Sa’yo na siya.”

“Good to hear that. Yung ex mo nagluluksa pa hanggang ngayon tapos bigla bigla meron siyang agad kapalit baka mag-suicide yun.” Natatawang biro ni Steph.

“Wala talagang something? Anong tawag sa mga haplos? Sa titigan niyo? Paki-explain nga at pati yung eksena sa canteen kanina.” Curios na tanong ni bakla.

Patay. Ano nga ba ang sasabihin ko about dun? Bwiset naman kasing lalaki na yun.

“Ahh.. Yun ba?” Natigilan ako at saka tumingin sa kanila na naghihintay ng sagot ko.

“Oo yun na nga Nav. Ano na?” Tila naiinip na tanong ni Joyce.

“Hindi ko alam. Hindi ko alam na tinititigan niya ako kanina kaya yun napatititg na lang din ako. Ano ba yan. At hindi ko alam yung haplos na sinasabi niyo. I don’t know why he acted that way. At yung kanina tinatanong niya kung galit ako sa nangyari, sabi ko hindi and why would I get mad. And he said maybe he could meet you some other time.” Mahabang paliwanag yun ah! Daig pa nila si mommy kung makapagtanong. Ugh

“Sure. Kailangan agad agad makilala niya kami. Di ba girls?” Nagliwanag naman ang kanilang mga mata. Mukhang masaya pa sila.

“I won’t gonna let that happen. May girlfriend yung tao baka kung anong isipin nun. Nakakahiya pa yung nangyari kanina baka kung anong isipin sa akin.” Tumingin ako sa relo, ilang minutes na lang at magsisimula na ang susunod na klase.

“Girlfriend?! Wala yun. I’m updated sa lahat ng chismis okay. At lalo na si Yu yun. Di ko talaga palalampasin.” Kita niyo na kung gaano kalandi ‘tong kaibigan ko. Haha!

“Okay bahala na. Basta ayoko pa rin. Bye na guys. Malapit na ang next class.” Sabay pakita sa oras. Umalis na din si Michaela na nagmamaktol kasama si Steph na natatawa na lang sa reaksyon ni bading. Dumiretso na kami sa room ni Rachel at Joyce. Naabutan ko si Drei na nakaupo na at busy sa pagtetext. Umupo na ako sa tabi niya.

“Hey. How’s your lunch.” Tanong ko na nakataas pa ang kilay. May nililihim ‘to e.

“Ayun kasama ko si mommy. Sinasama ako sa reunion ng family. Ayoko nga pero ayaw naman pumayag na maiwan ako. Nakakainis. Nakaka-boring lang sigurado.” Halata sa itsura nito na ayaw talagang sumama. Nakasalubong pa ang dalawa nitong kilay.

One Day the Playgirl Fell In Love--On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon