Chapter 11

7 0 0
                                    

Chapter 11

Kaylee’s POV

“Deposit of another entity is credited by the bank to the account of the depositor. And lastly, checks of another entity charged to the account of the depositor.” Bulong ni Aira. Nagbabasa ito. Nasa condo na kami at nagrereview. Dumating ito ng 9am dala dala ang mga gamit niya. “Ugh! I really hate this bank reconciliation. This topic makes me stressed.” Yamot nito na tinawanan ko lang.

Hindi naman siya nakaka-distract sa pagrereview. In fact mas na-engganyo pa akong mag-aral kasi seryoso talaga siya kapag nagrereview. Kapag nagtatanong naman ito ay tinuturuan ko lang siya pagtapos ay tahimik na ulit itong magbabasa. Kapag naramdaman namin ang pagod ay nagpapahinga muna kami tapos magkwentuhan ng kung anu-ano.

Hapon na ng napagpasyahan kong magpa-deliver ng miryenda. Pinigilan naman ako ni Aira. Siya na ang nagpresinta. Wala na rin akong nagawa kasi mapilit siya. Nagmana ito sa kuya niya. Tsk

“Kamusta na kayo ni Kuya. Hindi mo itatanong kung nasaan ito Ate Nav?” Alam ko inaasar ako nitong si Aira. Nakangiti pa siya.

Natawa na lang ako sa tanong niya. “Okay naman kami. We’re friends. Bakit ko naman itatanong?” Pagsisinungaling ko na kahit kanina ko pa gustong itanong sa kanya. Alam ko naman na busy si Yu ngayon tulad namin.

“I have something to tell you. Even Kuya already warned me not to do something stupid. But I think this is not a stupid thing to do.” Biglang nabuhayan naman ako ng interes sa sinabi niya. “I think he likes you. Noong nasa resto kami ay bigla itong nagkwento tungkol sa babaeng gusto niya. Although he didn’t tell me exactly who is it. But he told me that night; the girl is taking up Accountancy, maganda at maputi. That was his description about the girl. And I could see it in his actions. I know it was you even if there are lot of girls in our department which is maganda at maputi.” Parang nagtatalon ang puso ko sa tuwa sa sinabing yun ni Aira. But you asked him yesterday and he just said he likes what he’s doing! Wake up! Huwag kang tanga. Angil ng bahaging iyon ng aking isip.

“I don’t think so. I already asked him about his actions and he said that he was just happy doing it.” Hindi naman kailangan pang sabihin sa kanya ito kasi nakakahiya. Malalaman pa niyang tinanong ko talaga ang kuya. “Gusto ko lang maging malinaw kami that’s why I asked him.”

“But still, I think it was really you. Basta mas gusto kita para kay Kuya.” Natawa na lang ako sa sinabi niya. Wala pa talaga itong gaanong alam pagdating sa ganitong bagay. At hindi ba nito alam yung mga babaeng umaaligid sa kuya niya.

Naudlot ang kanilang pag-uusap ng biglang may nag-doorbell. Tinignan ko si Aira at ngumiti lang siya. Ito na marahil yung mga pinadeliver niya. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Yu na bitbit ang isang plastic sa isa nitong kamay, at sa kabila naman ay ang isang box ng pizza.

Ngumiti ito at itinaas ang hawak nito sa magkabilang kamay. “Free delivery for the two pretty girls.”

“What are you doing here?” Mangha kong tanong sa kanya. “I mean bakit may dala ka nyan?” Hindi ba busy ito?

“Aira told that you two are hungry and you don’t have food in your condo. Ang bigat na nito. Hindi mo pa ba ako papapasukin?” Oo nga pala. Nakalimutan ko na itong papasukin dahil sa pagkabigla. Dumiretso ito sa kusina at sinundan ko naman. Iniwan ko na muna sa living area si Aira. Ang pasaway nga talaga niya. Kaya siguro binabalaan siya ng kuya niya.

“Hindi ba busy ka?” Tanong ko sa kanya. Inaayos na nito ang mga dala niyang miryenda. Feeling at home lang huh.

“Medyo. Nakakakonsensya naman kasi kung hindi kayo kakain.” Tapos tumawa ito. Sasabihin ko sana dito na kaya naman naming bumili pero bigla kong naiisip na binalak ito ni Aira. Baka pagalitan pa ng kumag na’to ang kapatid niya kaya tumahimik na lang ako.

One Day the Playgirl Fell In Love--On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon