Chapter 10

7 0 0
                                    

Chapter 10

Kaylee’s POV

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Yu. Simula ng gabing tumawag ito ay wala na akong natanggap na tawag dito o kahit text man lang.Hindi ko maiwasan mag-expect na lagi itong tatawag. Marahil ay busy lang ito kasi next week na ang examination. Madalas ko naman nakakasama ang kapatid nito. Tinutulungan ko siya sa iba niyang subject. Nahihiya naman akong itanong kung kamusta na ba si Yu. Nakakahiya din kung itetext ko siya. Baka lumaki pa ulo nun. Tsk

Naglalakad lakad kami sa campus kasama si Michaela at Steph ng makareceive ako ng text galing kay Aira. O di ba instant text mate na din kami.

Hi Ate Nav! Okay lang ba kung sa condo na lang tayo ni kuya? Hindi rin naman ito uuwi dun at nakapagpaalam na ako.

Bakit hindi na lang sa condo ko malapit lang din naman yun sa unit ni Yu. Bakit hindi rin kaya ito uuwi? I replied back.

Sa condo ko na lang. Same floor lang din kami ng kuya mo.

Parang rest day ngayon. Paano ba naman kasi wala man ginagawa sa mga subject namin. Halos kasi lahat tapos na ang mga lesson kaya okay lang na lumabas. Si Drei naman nagpaiwan sa room kasi kailangan pa nitong ayusin yung requirement sa isa namin subject.

Tumunog ulit ang phone ko at agad itong tinignan kung sino ang nagtext. Na-disappoint pa ako ng hindi si Yu ang nagtext. Nakakainis. Bakit ba ako masyadong nag-eexpect sa kanya.

Wow. Hindi ko alam yun. Sabagay pati ikaw nililihim ni kuya sa akin hahaha! I’ll just go over there Ate Nav. Text me your condo. Bye! Take care.

Nagtataka pa ako sa sinabi nito na pati ako ay nililihim ng kuya niya sa kanya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito. Tinext ko na lang sa kanya ang unit number ko. Humingi ng favour si Aira na kung pwede sabay kaming magreview. Natutuwa ako sa kanya na kahit hindi kami magka-year at hindi parehas ang mga subject namin ay gusto niyang sabay kaming magreview. Pumayag ako para kung sakali ay matulungan ko siya. Ang saya pa niya ng pumayag ako. She’s lovely and a very smart girl. Hindi siya maarte tulad ng ibang babae. Magaan ang loob ko sa kanya at natutuwa talaga ako kapag kausap siya. Ngayon ko lang naramdaman ang magkaroon ng parang kapatid.

“Nav kamusta na kayo ni Yu?” Nagulat pa ako sa tanong ni Michaela. Nawala tuloy ang atensyon ko sa iniisip ko.

“Ikaw talagang bading ka. Para kang NBI pagdating kay Yu.” Natatawa na naiiling na sabi ni Steph.

“Oo nga. Type mo talaga si Yu no. Okay naman kaming magkaibigan.”

“Natural. Excited lang akong malaman kung kayo na. Gusto ko lang i-monitor kung tatagal ba siya sa’yo o magbreak din kayo agad if ever. Pero parang mali. Let me rephrase it. Gusto kong i-monitor kung tatagal ka ba sa kanya o magsasawa ka agad.” With hand gestures pa nitong sabi. Binatukan ko lang siya.

“Friends lang okay.” Paninigurado ko sa kanya.

“Okay I think I should believe you now. Look there.” Napatingin kaming dalawa ni Steph sa tinuturo nito. Natatawa pa kami sa kanya ngunit biglang napatigil kami sa pagtawa. Nawala din ang ngiti ko.

Si Yu kasama ang mga ilang kalalakihan at mangilan-ilan ding babae. Nagtatawanan sila. May nakakapit pa sa braso nito. Straight ang buhok, maganda,  at maputi ang babae. Mukha na ngang white lady. Ugh

Malayo kami sa kanila kaya malabong mapansin kami ni Yu. Nakita ko pang hinalikan ng babae ang pisngi ng kumag na yun. Hmp! Sobrang selos ang naramdaman ko.

One Day the Playgirl Fell In Love--On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon