Chapter 4

18 0 0
                                    

Chapter 4

Kaylee’s POV

“Wow. Ang dami ng tao.” Excited kong sabi kay Ana. Naghanap ng space for parking at agad din nagpark. Hah! Mahirap na baka maunahan na naman ako ng kung sinu-sino.

“Yeah right. Itext mo na si Kuya Tim. Magpareserve ka ng table for us.” Tignan mo excited din ang gaga. If I know maghahanap din ng lalaki to. Hahaha

“I already did dear cousin.” Papahuli ba ako? Alam ko naman na maraming tao lalo na opening ngayon besides maraming barkada si Kuya. Lumabas na kami ng kotse at naghahanap ng mga kakilala.

“Ang bilis mo talaga! Oww. Ang daming boylet.” Nagtawanan kami. Sakto ayun! Nakita din namin ang owner ng bar. Hmm… Hula ko he’s with some college friends.

“Nakikita mo ba ang nakikita ko Kaylee Naveen?” And she smirked.

“Ang landi mo!” Biro kong sagot sa kanya habang tumatawa. “Oo nakikita ko din mga nakikita mo.” Ikaw nakikita mo ba yung lalaking pangit na katabi ni Kuya! Siya yung lalaki sa parking lot. Nais ko sanang sabihin sa kanya pero tumahimik na lang ako.

Nung makalapit na kami ay mukhang nabigla pa ang mga kasama ni Kuya. Siyempre maganda ako e. Sino ba naman ang hindi mabibigla kung makakakita sila ng napakagandang binibini. Ang yabang ko di ba pero nagsasabi lang ako ng totoo. Hahaha!

“Hi Kuya Tim! Congrats.” Pagbati ni Ana sabay halik sa pisngi ni Kuya. And I did the same.

“Thanks.” Nakangiting sabi ni Kuya. “Akala ko mamaya pa kayo e. Your table is waiting for you inside.”

“Eh di libre nyan kami dito sa bar mo?” tanong ko with matching taas pa ng isang kilay. Tingin tingin pa yung pangit na lalaki sa parking. Bwiset to. At bakit pala naging kaibigan ni kuya to?! Eh sa pagkapangit ng ugali. Grr!

Makapag-judge ka naman girl parang kilala mo talaga yung poging yan ah.’ Sagot ng letseng utak ko. Hah! Marunong na palang sumagot ito ngayon.

“Nav, tinatanong pa ba yan? Libreng libre di ba di ba.” Si Ana yan. O di ba makasagot lang parang walang audience sa likod ni Kuya. Haha

“Sabi na nga ba eh! Akala ko pa naman kikita ako ng malaki sa inyo.” Iiling-iling na sagot nito at tumingin sa akin at eto pa! Kinurot pa ang ilong ko. “Lalo na sayo Naveen. Mahilig magbar.”

Did he just pinch my nose in front of these men!? Okay OA na. Pero sigurado namumula nato :/

“Ehem.” Wow akala ko kami lang ang tao dito. Hahaha! Tinignan ko yung mga kasama ni Kuya, nakatangin sila samin at nakikinig din pala. Ayy. Nakatingin din sakin yung mapang-agaw ng space. O di ba. Nahulog na siya sa alindog ko. Sigurado lang siya pa unang magpapakilala niyan.

“Oh by the way before I forgot, this is Carlo, Tj, John, Marc and—”nabitin ang sasabihin ni Kuya ng lingunin niya yung lalaking pangit. Ang landi hah! May nakakapit ng babaeng mukhang paa sa leeg nito. Ang sama ko no? Pero yun ung totoo eh. Hahaha! Pero sure ako mamaya yan magpapakilala sakin. Nahihiya lang yan eh. Lol.

“Yeah someone’s busy out there.” Nagtawanan ang mga to. “These two lovely ladies are my cousin. Ana and Naveen.” Natapos din. Tsk. Nag-hi sila at nakipag-handshake.

“Nice meeting you guys. I think we better go inside now. Bye Kuya. See you later.” Nagpaalam na ako at hinatak ang bruha bago pa makipagchika sa mga lalaking yun.

One Day the Playgirl Fell In Love--On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon