Chapter 12

6 0 0
                                    

Kaylee’s POV

My head hurts so badly. I don’t know what time is it then. I tried to open my eyes but I ended up closing it again. Sumasabay ba naman ang sakit ng ulo mo dahil sa hang over!

Kinapa ko yung phone ko sa kama na nakapikit pa rin ang mata. Because of the headache, I’m even cursing mentally. Hindi na talaga ako iinom sa susunod fck promise na’to.

Kung ilang beses ko ng sinasabi ang linyang iyon sa aking sarili ay doble pa ata ang bilang ng pagsira ko sa pangakong yun.

“Damn it!” Napamura na talaga ako dahil sa frustration ng hindi ko mahanap-hanap ang phone ko. Pilit ko na din inaalala kung may nagawa ba akong kalokohan kagabi.

Tanda ko pa din na hinatid ako ni Yu. Noong una hindi ko pa alam kung nasa condo ba ako ngayon o nasa unit ako ni Yu. But when I smelled the scent of the pillow, I know it wasn’t mine. Shit!

I examined everything if there’s a hint of something stupid happened. I remain calm when I realized that it was all clean. I mean I didn’t do anything I could ashamed of or I could regret in the end. Maliban na lang kung may nakalimutan ako sa mga nangyari kagabi. Ayoko naman magsisigaw dito at magmukha lang tanga kahit wala naman talagang nangyaring masama habang lasing ako.

Bumangon na ako. Bigla naman ay tumunog ang phone ko. Agad ko din itong nakita. I looked for the time. Wow. 8am na pala.

Okay nakuha ko pa talagang namangha sa oras. Patay na ako nito kina mommy! May mga text pa ito at missed calls.  Nagmamadali akong lumabas sa kwarto. Saan kaya natulog ang kumag na yun?

Naabutan ko ito na mahimbing ang tulog sa sofa. Kawawa naman ang lalaking ‘to. Ang laki laking tao mukhang hindi talaga kasya sa sofa. I was about to call him when I remember something. Nagdramahan pala kami kagabi. Ay leche. Siya pala ang dahilan kung bakit ako napa-sama ng hindi oras sa bar na yun. Ang bitter lang ng dating.

Lumapit ako sa kanya at marahang niyugyog ito. “Yu. Wake up.” Ilang beses ko pa itong tinawag pero puro ungol lang sinasagot sa akin. Grabe talaga ang lalaking ‘to!

Sinampal ko siya ng mahina sa pisngi. Slight lang naman sayang kasi ang cute pa naman matulog.

Dinilat nito ang mga mata at kinusot-kusot pa ito. Humawak na din ito sa ulo niya. O di ba the feeling is mutual lang ang peg. Sigurado masakit din ulo nito.

“Hmm.. Gising ka na pala.” Ng nahimasmasan ito ay mukha pa itong may naalala at agad agad na bumangon. Bigla naman napakunot ang noo ko sa mga kilos niya. “Look, I didn’t do anything to you. Tinanong kita kagabi kung saan kita ihahatid tapos sabi mo sa condo mo or sa condo ko. Pero dapat talaga sa condo mo kita ihahatid. Nakatulog ka pa nga sa kotse tapos ginising kita at kinukuha yung susi ng unit mo pero ang sabi mo, hindi mo dala habang sinisigawan mo ako at tinulugan mo ako ulit. Kaya dito na kita pinatulog pero I swear pag—”

I cut him off. Hindi ko mapigilan ang matawa ng malakas dahil sa mahabang pagbibigay nito ng paliwanag. Ang cute niya tignan na para bang batang inosente at pilit na pinapaliwanag na wala siyang ginawang masama. Napakurap kurap lang siya habang tawa ako ng tawa. Nakalimutan ko lahat ang sama kong loob sa kanya. I guess that’s it. Wala din naman patutunguhan kung magalit or magtampo ako sa kanya. I don’t have the right.

“You don’t have to…” Nagsasalita ako habang tawa ng tawa. Ang hirap pigilan pero ng makita ko ito na tila naiinis na siya ay nagseryoso ako. “I’m sorry. Alam ko naman lahat. Hindi mo naman kailangan mag explain. Thank you nga pala and sorry sa sofa ka pa natulog.”

One Day the Playgirl Fell In Love--On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon