A/N: This is the first story from Short Heart Broken Stories
Hope you enjoy ^_^
Play the song on your right para mas feel niyo XDD
************************
Jenny's POV
Since birth, bestfriend ko na si John. Since birth pang magkakilala ang parents namin. Since birth pa kaming magkaibigan, close sa isa't isa. Since birth, di na kami mapaghiwalay.
Same school, same taste in music food. Akala nga ng iba kambal kami eh. Pero...
Since grade 3, crush ko na siya. Di niya yun alam. Since nagstart kaming maghighschool, mas dumami pa ang nagkagusto sa kanya. Naging iba iba ang girlfriend niya. Minsan nagpapatulong siya sakin para maging sila ng gusto niya. Pero flings lang ito, walang seryoso.
Masakit syempre, na malaman mong may gusto sa iba yung taong gusto mo. Syempre masakit na ikaw pa mismo ang tutulong sa kanya para lang maging sila ng taong gusto ng mahal mo.
Kayo ba? Masasaktan din ba kayo? Pero alam niyo yung pinakamasakit? Yun yung naging sila nung bestfriend ko. Masakit pa dun, sineryoso niya ang bestfriend ko... 4 years sila nagsama. 4 years na kasiyahan para sa kanila. 4 years na kalungkutan para sakin.
Sa bawat ngiti at tawanan nila, may katumabas iyon na luha at lungkot sa akin. Gabi gabi, umiiyak ako. Gabi gabi, pinagdarasal ko na sana mapansin niya rin ako.
Kapag nagkakaproblema sila ng bestfriend ko, ako ang nilalapitan niya. Ako ang hinihingan niya ng advice para lang magbati sila. Masakit diba? Tutulungan mong magkaayos ang taong mahal mo at taong mahal niya.
Hanggang isang araw, di ko na kaya. Nagtapat ako sa kanya ng nararamdaman ko. Akala ko kapag sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko, magiisip siya at papansinin ako. Pero maling akala lng yon.
Flashback...
February 14, 200*
Dapat may date ngayon si Renz at si Amy. Pero di ko na kaya, kailangan ko nang masabi sa kanya kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kaya naman tinawagan ko siya.
Me: Renz, kita naman tayo oh...
Renz: Sorry Jen ah,,, may date kami ngayon ng bestfriend mo.
Me: Alam ko naman yun, saglit lang naman.
Renz: Saglit lang ah, san ba?
Me: Sa dating pwesto sa park.
Pagkatapos ay binaba niya na ang telepono. This is it. Masasabi ko na ang nararamdaman ko. Ano kaya ang reaksyon niya? Bak sakaling magustuhan niya ako kapag sinabi ko ang mga katagang "Gusto Kita, matagal na"
Nagtext ako sa kanya kung anong oras. Alam niya na kung san sa park, yung paborito naming pwesto simula pagkabata.
Fifteen minutes before the time, nandun na ako sa puno malapit sa slide. Dito kami unang naging magkaibigan, as in... Nung mga bata pa kase kami, lagi kaming nagaaway pero magkalaro kami. Napapangiti ako tuwing naalala ko yung mga panahong yun.
Yung panahong, inaasar ako ng ibang bata, pinagtulukan, pinaglaruan hanggang matumba ako at masugatan. Bigla na lang siya nun lumitaw, sinigawan ang mga bata kya naman nagsitakbuhan. Pagkatapos ay dinala niya ako sa bahay namin para magamot yung sugat ko. Sabi niya pa non, "I'll be your protector"
"Jen..." nabura ang mga iniisip ko ng marinig ko ang boses niya. Hinanap ko, nasa likod ko pala.
This is it... Kabadong kabado ako. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa mangyayari.
"Renz..." naupo siya sa tabi ko.
"May sasabihin ka?" tanong niya
"Ah... eh... Meron eh... Renz..." kabado ako, pero kailangan ko nang masabi
" Hmmm?"
"Naging magkaibigan tayo dito. Naging sobrang protective mo sakin. Naging close tayo at iba pa... Pero renz... "
"Ano ba yon?"
"Gusto kita." kinakabahan man, nasabi ko na. Tinignan niya lang ako tsaka siya nagsalita.
"Jen, I don't wanna hurt your feelings but... Bestfriends lang tayo." pagkasabi niya nun, umalis na siya leaving me teary eyed. Then unti unti, pumatak na ang mga luha ko. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang ulan.
[A/N: Now's the right time to play the video]
End of Flashback
Ngayon, 28 years old na ako. May pamilya na si Renz at yung bestfriend ko. Ako naman, papalit palit ng boyfriend. I never had the chance to move on over Renz. Siya talag ang laman ng puso ko. Ibinaling ko man sa iba ang damdamin ko, di pa rin nun natutumbasan ang nadama ko.
Bestfriends pa rin naman kami ni Renz, di na yun magbabago. Di na rin magbabago ang nararamdaman ko for him...