he-she

159 1 0
                                    

december… christmas party ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni aimee… bumabaha ng pagkain at inumin…dahil hindi naman siya sanay uminom…naka-isang bote pa lang siya ng light beer eh tinawag na siya  ng kalikasan. kasama niya si alana na tipsy na dahil sa ilang bote ng beer na ininom nito para pansumandaling makalimutan ang problema nito sa lovelife.

pero ang hindi niya inasahan ay siya pala ang sasalang sa mapanuring bibig nito…sinimulan siyang imbestigahan nito kung may love life na din daw ba siya…

“So Aimee, kumusta ka naman…ikaw ha masyado kang malihim…kahit magkasama tayo ng department hindi ko alam kung may bf ka na o wala. meron ka na bang bf?” – tanong ni alana.

“ha?”

“ilang taon ka na nga?”

“27”

“so ano may bf ka na ba?”

“ha,wala..”

“wala?”

“Oo..”

“manliligaw?”

“wala”

“wala ka ba talagang balak mag-bf?” pangungulit pa din ni alana…

natatawa na lang si aimee..kase di na naman bago para sa kanya ang matanong ng ganun…hindi niya alam kong dapat ba siyang mainis o matuwa sa mga ganung tanong…bakit ba kase palagi na lang siyang pinipilit na magboyfriend na ng mga taong nasa paligid niya…

“bakit masama bang maging single?” balik-tanong niya kay alana…

“hindi naman..pero…sayang naman di ba?”

“pero nagka-bf ka na ba?”

“minsan..”

“see..masaya naman magka-bf di ba? eh bakit ngayon ayaw mo na?”

“hindi naman sa ganun…hindi naman ako nagsasalita ng tapos na ayaw ko ng magka-bf pero..”

“yun naman pala eh..eh di mag-bf ka na…masarap ma-inlove..tingnan mo ako kahit may problema kame ng jowa ko…bf ko pa din siya..kase mahal ko siya eh”

“heheheh…”

“ah basta, subukan mo aimee…” pagtatapos ni alana habang pabalik na sila ng mesa kung saan andun si denise, lance, nicole at justine…

busy siya sa pag-iisip ng mga binitiwang salita ni alana… gusto niyang magtanong kung bakit sa kabila ng “kabiguan” nito sa pag-ibig eh nakuha pa nitong magpayo na mag-bf na siya…

hindi naman siya bahagi ng “NBSB” noh…naranasan nya na din namang magmahal kaya lang di sapat iyong love na iyon para magpatali siya noon sa bf niya bilang asawa ng yayain siya nitong magpakasal.

perfect imperfect matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon