peace be with you!

78 0 0
                                    

aimee’s pov

nagsimula na ang misa. finally, tinigilan na din ni jasmine si justine..nakakairita kase sa simbahan pa talaga ng flirt ang bruhilda…

wait…kapeng mainit…bakit ganito ang reaction ko..eh ano ngayon kung nagpi-flirt si jasmine sa kanya? affected ‘neng? isang malaking bakit?

kase naman itong lalaking ito..kung bakit sumama-sama pa sa akin…

pwede naman siyang maiwan sa bahay na lang at ipagpatuloy ang kanyang pagluluto…o kaya ipagpatuloy niya na rin ang paglilinis ng bahay ko..

hoy aimee…tapos na niyang iluto lahat ng dala niya di ba..at tapos ka na din maglinis ng bahay kaya ano pang lilinisan niya…

o di sige…magdumi na lang siya doon tapos linisin niya ulit para maganda..hehehehe…

baliw!

hay naku! ano ba itong pinag iisip ko…aimee…”focus…focus…focus… nakakahiya kay jesus…”

pero hindi talaga matanggal sa isip ko iyong kakaibang smile ni justiniano..ganun ba talaga iyong effect ni jasmine sa kanya..simula ng magsimula ang misa hindi pa napuputol ang smile niya eh…

nilingon ko siya ng bahagya...pero tamang tama naman na tumingin siya sa akin, binawi ko ang tingin ko at isinentro ko na lang ang atensiyon ko kay father na kasalukuyang naghohomily na.

“mga kapatid ngayong ipinagdiriwang natin ang pagtatapos ng taon ating isipin at pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng ating nakaraang taon.mga taong naging dahilan upang maging makabuluhan, masaya at di makakalimutang taon ang lumipas…bukas, ipanalangin natin na sila ay patuloy na maging bahagi na susunod na 365 days ng buhay natin…” sabi ng father…

 

muli akong napalingon sa katabi ko…then i saw him intently looking at me, then i saw his lips moved…

“thank you alynna…”

“huh!”

“thank you for being part of my yesteryear…”

nagulat ako…i didn’t expect him to thank me like that…kaya ang tangi kong nasabi “your welcome…” gusto ko siyang pasalamatan din..na-appreciate ko iyong gesture niyang ganun…then he tapped me atop my shoulder…then he went silent again..ako, nakatingin pa din sa kanya.

uste’s pov

magkatabi kaming nakatayo ni aimee sa gilid at bandang likod ng simbahan…nakaalis na si jasmine. hindi ko alam kung matutuwa ako sa pagdating niya sa pagitan namin ni aimee kanina pero somehow may naramdaman akong katuwaan na “napadaan” siya…alam ko hindi nagustuhan ni aimee ang nangyari pero di ko lubos na maisip na parang “nagagalit” siya…kaya di matanggal ang pagkakangiti ko..ang cute kase niyang tingnan..kulang na lang sumimangot siya ng tuluyan pero iyong cheeks niya lalong namumula sa “galit.”

tinitigan ko siya sa paraang hindi niya alam…nakakatuwa…at nagbibigay sa akin iyon ng kakaibang sigla… nagsimula na ang misa hanggang dumating sa part na nagsesermon na ang pari…tapos…

“thank you alynna…”

“huh?!”

“thank you for being part of my yesteryear…”

“your welcome!” narinig kong sambit niya…

gusto ko pa sanang magsalita pero alam ko na nakakahiya kase nagmimisa na at nagsesermon na si father…pero parang gusto kong idugtong na “pwede bang maging bahagi ka pa na susunod kong mga taon…?”

hindi ko naisa-tinig iyon kaya…ti-nap ko na lang siya sa balikat niya at nanahimik na ulit ako…but deep in my heart…i still want to say something…na hindi ko alam kung ano…

natapos ang homily, ang pag-aalay at ang iba pang part ng misa hanggang sa ama namin…

i grabbed her hand and hold it habang kumakanta ng our father…though alam ko na hindi na kailangan pang gawin iyon dahil hindi na ina-advise ng simbahan na maghawak-kamay during ama namin, di ko pa din binitiwan ang kamay niya..ang lambot…

ano ka ba uste…nagmimisa…

alam kong nagulat siya at kung pwde lang bawiin ng hindi kame makagagawa ng eksena malamang binawi niya na ang kamay niya…natapos ang kanta ng hindi siya tumingin sa akin kahit ng bawiin niya ang kamay niya..

habang ako patuloy na nakikinig sa sinasabi ng pari…

“mag-bigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa…”

“peace be with you!” yukod niya sa akin…

“kapayapaan aimee!” then i kissed her on the cheek…lalo siyang nagulat, ni hindi niya na nakuhang lumingon pa sa nasa likod niya para bumati dahil napatanga na lang siya sa ginawa ko.

kundi lang siguro nasa misa..baka nasampal na ako ni aimee…pero i remained silent and siya calm…

_______

a/n: hala, ano kaya ang gagawin ni aimee…???lagot ka uste…

vote..vote..vote…

like…like…like…

comment…comment…comment

perfect imperfect matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon