friends.....

113 1 0
                                    

(a/n: parang may lapse dun sa sinundang chapter ah…hay…sencia na po, di naman po kase talaga ako writer..adik lang talaga ako sa mga lovestories)

____

justine’s pov

hay naku…nakakahiya naman kay aimee… bwisit kaseng mga kasamahan namin oohh…pasaway… asan na ba yun? baka nagpakalunod na iyon sa alak ah…malayo pa naman uuwian non…

nakasalubong ko ang isa pa naming co-employee  mula sa ibang department na si brent, galing siya sa buffet table…

“pare, nakita mo ba si aimee?”

“ah, iyong gf mo?”

“sus…mamya may makarinig sa iyo, akalain totoo.”

“bakit hindi ba?”

“ano ka ba uste, himala nga lang yata na hiniwalayan mo ng tingin iyon ngayon kaya hinahanap mo eh. ang totoo naman halos di mo lubayan ng tingin iyon kapag nasa opisina. umamin ka na kase…”

“ay naku. pagbuhulin ko kayo nila lance eh…ang lalakas niyong mang-asar! bahala ka na nga…iwan na kita dito…”

“hahahah! bistado ka na p’re…masama iyan pag pinipigil…magkakasakit ka sa puso niyan.” sabay tapik sa likod ko.

hay buhay…kame nga ba talaga ang pinaka hot item ngayon sa mundo, este sa kompanya…pwede namang iyong iba na lang..bakit kame pa…nakakahiya talaga kay aimee. ayoko pa naman na nasasangkot sa kung saan iyon kase siguradong didibdibin niya iyon.

asan na nga ba nagsuot iyong babaeng iyon,

nalibot ko na halos lahat ng sulok ng restaurant bakit ni anino niya di ko makita..hala mukhang nangyayari na ang kinatatakutan ko. lagot sa akin sila alana pag nagkataon.

nag-aalala na talaga ako sa kanya…eh bakit nga ba ako mag-aalala sa kanya eh halos naman lahat ng tao dito magkakakilala siguradong wala  naman sigurong gagawa ng masama sa kanya…

hay naku…uste malala ka na! sabi ko sa sarili ko.

hindi naman totoo iyong sinasabi nila kaya dapat wag ko na lang intindihin. pero, bakit ganito ang nararamdaman ko. bakit parang may part ng puso ko ang tumututol sa sinasabi ko…

ah… basta, aimee is my girl bestfriend, nothing more, nothing less and besides hindi pwedeng mangyaring magkaroon ng something between us…it would be so unfair for her…

oh, eh bakit ngayon naiisip kong magkakaroon ng something between us…ano ba yan….usteeeeeeeeeeeeeeeh!!!

tsk tsk tsk

aimee’s pov

 

nakarating ako sa likod na bahagi ng restaurant, i badly needed some fresh air to breath, bukod sa usok from the cigarettes na malapit sa pwesto namin, sumasakit na din ang ulo ko sa pinagsama-samang amoy ng alcoholic drinks sa loob.

hindi naman ako maarte sa mga scents, pero talagang madali lang akong mahilo sa mga matatapang na amoy…

gusto ko na rin munang humiwalay sandali sa mga ka-departamento kase wala na naman silang nakita kundi kame ni uste…

dyahe naman kase noh…haller, kapatid ko na kaya iyon uste tapos biglang sasabihin nilang bagay kame. ano iyon lokohan?

akala ko mapapahinga na yong tenga ko kase party naman…iyan na nga lang palagi ang topic nila sa office hanggang dito ba naman..magpapasko pa naman.

iyon namang usteng iyon inayunan pa noong una..malilintikan talaga sa akin iyon.

pero, teka lang aimee hirit ng isip ko..eh bakit kanina nung makita mo siya, iba ang pumasok sa isip mo.

hala! nagsasalita na ba ang konsensiya ko…bakit nga ba? bakit ko nga ba naisip yon?

eh kase naman sila kung anu-anong pinapasok nila sa isip ko eh…malay ko bang maretain iyon sa magulo kong utak.

aminin mo na kase aimee…uste is really special…

yes he is…but…

so, ano iyong but?

kase hindi pwede…

bakit hindi pwede?

dahil langit siya, lupa ako? mayaman siya, mahirap ako? matalino siya, di ako matalino? gwapo siya, samantalang ako hindi maganda? 21 sya, 27 ako?

eh age doesn’t matter naman ah…

kase chinese sya, pinay ako? 

bakit uso pa ba sa mga chinese ang di pagpayag na makatuluyan ng isang chinese ang hindi chinese?

kase magkatrabaho kame?

may point ka dyan…

pero may iba pang mas mabigat na dahilan…

eh paano kung sa kanya ako sasaya? hindi ba talaga pwede?

eh siya ba sasaya sa akin?

hay naku aimeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee….malala na iyan….

____________

ano nga ba iyong dahilan? iyong mabigat na dahilan?

perfect imperfect matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon