jealous????

86 0 0
                                    

natapos ang misa ng hindi na ulit umimik si aimee. ni hindi niya ako nililingon… alam ko may hindi tama sa ginawa ko…i have never been like that.i have never treated her like that before, pero para kaseng natural na lang para sa akin iyon… sabi ng iba, sweet lang daw talaga ako at alam iyon ni aimee, pero hindi pa kase ako naging ganun sa kanya. i have always seen her as a tough woman na hindi pwede basta gawan ng gesture na ganun… she always keep herself distant to others even with her friends…though she has this soft and sweet side, hindi talaga siya showy kaya hindi ko rin nagagawang maging sweet sa kanya ng palagian.

mas madalas lang na asaran, kulitan at pikunan ang ginagawa namin sa isa’t isa at ganun kame naging friends at close friends..madali siyang nakakasakay at nakakasabay sa mga jokes ko kaya nagkasundo kameng dalawa…walang dull moments kumbaga…though sometimes pag may mga problema nagiging seryoso din naman kame…

for two years of being friends, yun eh…ng pagkatapos ko siyang maging immediate head sa kompanya ni lolo…naging smooth sailing ang buhay naming dalawa. nagbago nga lang iyon ng konti, ng madalas na kameng pag-usapan sa opisina…ng mga pasaway naming katrabaho…

alam kong nahihirapan na siya…pero hindi niya iyon sinasabi sa akin…knowing her, hindi siya magsasalita na nahihirapan o nagdudusa na siya…

“sumainyo ang panginoon.”

 

“sumaiyo rin…”

 

“yumuko kayo at hingin ang biyaya ng panginoon.”

 

sabay-sabay na nagtunguan ang tao…

 

“pagpalain kayo ng makapangyarihang diyos +, ama, anak at ng espiritu santo..”

 

“amen…”

 

“tapos na ang misa…humayo kayo sa pag-ibig ng diyos..”

 

“salamat sa diyos..” sabay-sabay na sagot ng nagsipagsimba…

nanatili pa ding nakatayo si aimee sa gilid. hindi niya pa rin ako tinitingnan..alam ko na kailangan ako ang mag-break ng ice…

“happy new year alynna.”

“ha!?”

“happy new year ang sabi ko…”

“ha…happy new year din…” sagot niya

“halika na alynna…baka maabutan pa tayo ni jasmine….” sabi ko sa kanya…”bilis!” hila-hila ko na siya palabas ng simbahan…

“sandali, hindi pa tapos ang recessional…”

“ano ka ba alynna..ok na iyan…nakalabas na nga sila father eh…halika na…bilis…ayokong abutan dito ng kapitbahay mo…”

perfect imperfect matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon