selos lang yan!

95 0 1
                                    

-sandaling nagbakasyon at nag-emo ang author..hehehehe

______

uste's pov

oo, adik nga yata ako kase kung anu-ano ang pumapasok sa isip at kung anu-anong nararamdaman ko…wala naman akong karapatan kay aimee ah…eh ano kung pumayag siyang sumama kina father para sa media noche… pero weird lang talaga iyong pakiramdam ko ng tinitingnan ko si father… marami din kase akong kilalang katulad niya at di na iba sa akin ang kumilatis kung kailan iba ang kahulugan ng simpleng tingin nila sa isang parishioner…oooooooooooooppppppss…. no offense meant sa mga pari dyan..pero basta lang…

“alynna…may crush sa iyo si father noh???”

napahinto siya at lumingon siya sa akin

“adik ka ba?”

oo hindi ko napigilang itanong iyon kay aimee…alam ko nagulat siya pero… ang naisagot niya lang sa akin….yon nga…kung adik ba daw ako…

“hindi noh..” sagot ko…”i just know...”

“anong i just know… manghuhula ka na ngayon? parang di ko alam iyon ah…hmmmmmmmmmmppp…hay naku justiniano, ang mabuti pa bumalik ka dun kay father at ikumpisal mo yan sa kanya…nakakahiya ka…pinag-isipan pa ng masama iyong tao…pari iyon noh…”

“ah basta…” sabi ko na lang…”basta alam ko..”

“bahala ka…bagong taon na bagong taon…ang sama ng utak mo..baka isang taon kang maging ganyan ha…”

“basta..mag-ingat ka…”

“bahala na!”

ewan ko ba..bakit iyon ang sinabi ko kay aimee…parang pati siya dinamay ko sa kasalanan kong pag-isipan ng masama about kay father…para kaseng isang malaking threat ang dating sa akin ni father… basta naiinis ako habang nakatitig siya kay aimee kanina…parang hindi na nga kumukurap…tska bakit sa dami ng parishioner na bumati sa kanya, bakit si aimee lang ang inimbitahan niyang sumama sa salu-salo…

eh di ba sabi nga niya kase alam niyang walang kasama si aimee sa bahay kaya instead na pabayaan niyang magcelebrate mag-isa eh niyaya niya na lang..malay mo naman may nauna na pala siyang naimbitihan at andun na sa refectory…ang dumi kase agad ng utak mo eh…

but…really, when he was looking at her intently…i can sense na there is something….

oy…ikaw ba justiniano eh nagseselos na?

“NAGSESELOS? ako bakit naman ako magseselos…”  napalakas kong nasabi na ikinalingon ni aimee… malayu-layo na pala iyong nalalakad niya at ng marinig niya akong nagsalita mag-isa..lumingon siya sa akin ng nagtataka..na parang may nakita siyang monster na may sampung ulo…tumakbo ako papalapit…

“anong sinasabi mo kanina?”

“ha…ah eh wala” sansala ko..

“eh bakit parang nagmomonologue ka na diyan at parang nawawala ka lang sa sarili mo…ikaw ba justiniano eh may problema? habang maaga pa sabihin mo na…mahirap ng lumala iyan..matalino ka pa naman…karamihan ng ganyan pag hindi kinakaya dinadampot na lang sa mandaluyong loob kinabukasan…”

“tingnan mo ka…bestfriend ba kita ha?”

“nagsasabi lang ako ng totoo… bakit nagagalit ka..?”

“eh bakit parang gusto mo pa akong mapasok sa mental hospital..”

“di ko sinabi iyon noh…patunayan mo nga…may narinig ka bang sinabi kong mental hospital? ha…”

“wala nga..pero sabi mo mandaluyong loob…”

“eh di maraming looban sa mandaluyong..sira ka talaga oo…ang mabuti pa magpatingin ka na…baka lalong mawalan ng pag-asa yan…at di kayanin ng mga doktor iyang sayad mo sa utak…”

“wala akong sayad ha…”

“weee di nga…”

natawa na lang ako sa huli niyang sinagot…hehehehe..expression niya na kase iyon..pero everytime she delivers it…iyong expression niya parang lasting sa memory…(may ganun?)

di na ulit ako sumagot…binilisan ko na lang ang paghakbang at umakbay sa kanya..alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero di na siya nagreklamo…

“halika na nga..” alam kong napabilis iyong sabi ko ng huli kong sinabi na pwedeng iba iyong dinig ni aimee na parang halikan nga……

“ano?”

“sabi ko, halika na nga…baka masundan pa tayo nung kapitbahay mo…”

“oh…eh bakit natatakot kang masundan? eh kanina nga halos hindi mo na bitawan iyong kamay eh…” sagot niya…

“nagseselos ka ba alynna?”

tumigil siya at humarap sa akin sabay tapik sa noo ko ng may hinang lakas…

“adik ka ba talaga justiniano?” sabay layas

“hahahaha! pikon! pikon! pikon!”

“hindi ako pikon noh…kinakatok ko lang utak mo…baka sakaling may lumuwag lang na turnilyo kaya nagkaganyan ang mga iniisip mo…tsk tsk tsk…basta bukas na bukas kailangan magpatingin ka na sa doctor…”

“doctor?”

“oo, siguraduhin mong espesiyalista iyong titingin sa iyo ha…baka kase pag dr. quack quack lang eh lalo kang mawala sa katinuan…okay? okay!”

“aaaaaaaaaiisssssssssssssssssssssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhh…alynna ka…”

“oh…anong maipaglilingkod ko sa iyo, justiniano....?” pang-asar niya pa sa akin…

perfect imperfect matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon