alynna mariae garcia

109 1 0
                                    

<<<<<< salamat po sa mga unang nagbasa...lalo na sa nag-add sa library nila...i am trying to put humor sa mga kwento ko...para man lang hindi kayo antukin....hehehhe....enjoy reading folks...

muli...ito ay isang kathang isip mula sa aking naisulat na akda/repleksiyon ukol sa buhay at pag-ibig...

at dahil ako ay isang hopeless romantic...inspired ito ng ilang movies na paulit ulit kong pinapanood...malalaman niyo kung ano iyong mga iyon sa mga susunod na chapters...

enjoy reading.    ^____^

__________________

even her surname is so common…

aimee to her friends ay isang “common” girl.. she’s “pretty”, yes…pero ang kagandahan ay nasa puso ng tao. her simplicity catches nobody’s attention..hehehe…ang tingin niya sa sarili niya ay lalo na pag napapagitnaan ng kanyang magagandang kaibigan ay wallpaper lang. though, mas enjoy niya yong ganung buhay iyong hindi siya napapansin…ayaw niya kase komplikadong buhay.

she’s living alone sa isang apartment dahil ang kanyang mga magulang ay nagpapala ng kanilang maliit ng bukirin sa probinsiya. she has other siblings pero pare-parehong may mga sariling buhay na rin ang mga ito. she’s practically living her whole life alone but not lonely…she has so many friends and everytime she wants company…she would just visit them and presto buhay na ulit ang social life niya.

ngunit lately, she had grown tired with that kind of lifestyle, she prefers it more ang mag-stay sa bahay na lang, nagmo-movie marathon o kaya magbasa ng libro… or just sit at her couch and day dream… pag gusto niya namang pagurin ang sarili niya..she could always turn her apartment upside down..heheheh…

sa palagay niya..ang buhay niya ay boring na…yun kase ang madalas sabihin ng mga kaibigan niya. wala man lang daw kakulay-kulay…at ang laging karugtong nito ay, “bakit hindi ka pa kase maghanap ng boyfriend, aimee!”

pag ganun na ang usapan, isa lang ang sinasagot niya…”hindi yan hinahanap, kusang dumarating iyan…”

“eh pano kung dumating iyon eh late na…makakahabol ka pa ba?”

“ay sus…kase naman palagi niyo akong iniisip…wag niyo ng intindihan ang non-existent lovelife ko..”

“aimee..gusto lang kase namin na maging masaya ka…”

“sino ba naman kase may sabing hindi ako masaya…? masaya naman ako eh.”

“oo na..masaya ka na…pero totoo ba nga bang masaya ka…”

“oo naman.”

“wee di nga…”

“hay naku, promise masaya ako…i am happy being single…advantageous nga ang buhay ko kaysa sa inyo eh..isipin niyo, dahil single ako lahat ng gusto kong gawin nagagawa ko…kayo pag kailangan niyong may gawin isang bagay na kahit simple lang eh kailangan niyo pang magpaalam sa mga jowa niyo…di ba? di ba?” patuloy niyang argumento.

“tapos pag di niyo sinunod, aawayin kayo…eh kung tutuusin eh buhay niyo naman iyon…kung anuman ang gawin niyo…dapat desisyon nyo lang…”

“hay naku, aimee…hindi ganun un…”

“hay evaine,,, ganun iyon..sabihin mong tama ako..”

“hindi…hindi ka tama…pero sige… para matapos lang ito…makinig ka naman sa amin…” – evaine.

“we want you to be happy and  gusto lang namin na may mag-aalaga at magmamahal na sa iyo ng tapat…iyong makikita namin na nagniningning iyong mata mo dahil sa tuwa…”

“tapos luluha kapag nasaktan. no thank you…salamat na lang.”

“ano ka ba aimee..ang kulit mo talaga..lahat na lang may sagot ka…”

“hay..kase naman kayo…”

at sa ganong usapan lang din naman sila matatapos.kahit sinong kaibigan niya walang nananalo at palagi na lang sumusuko sa kanya…

eh siyempre wala naman silang magagawa di ba…siya ang may katawan, isipan at puso…

siya si alynna mariae garcia… may sariling buhay at desisyon…

perfect imperfect matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon