"hindi ako nagdadamot..."

47 1 0
                                    

pauwi na ulit kami sa bahay. hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang naka-akbay sa akin si uste. dati niya na namang ginagawa iyon, pero nahihiya ako baka nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng puso ko. feeling ko nga naririnig na ng kung sinumang katabi ko ang lakas niyon. hindi ko naman siya masaway dahil baka isipin niyang binibigyan ko ng malisya ang pagkaka-akbay niya. ayoko namang matulad sa kanya na kahit simpleng pag-iimbita ni father eh binigyan na ng kakaibang kahulugan, pero nababaliw na yata ang isang ito dahil kahit hindi niya sabihin ng derecho alam kong ang ibig niyang sabihin ay may gusto sa akin si father. diyusme naman!

pero may naalaala ako bigla, minsan may nakapagsabi sa akin dati na katulad ng mga babae na may malakas na women’s intuition ang mga guys malakas din ang pakiramdam kapag feeling nila may karibal sila sa puso ng isang babae. hindi ko man matay isipin, nagseselos ba si uste kay father. nakita niya bang threat si father sa amin. at paanong mangyayari iyon eh, wala namang namamagitan sa amin. not yet…just not yet…oooooppppps. and saan naman nanggaling ang ideyang posibleng may in something in between us…kahit nga literally na sabihin, kahit nga yata hangin walang makakalusot sa pagitan namin ni uste ngayon. Nilingon ko siya ulit, ngingisi ngisi siyang naglalakad kaagapay ako, ni hindi na siya muling lumingon ng lumingon ako at makita ko jasmine na halatang pilit binibilisan ang paglalakad para maabutan kami.

“oi, nasa likod natin ang admirer mo?”

“huh?”

“si jasmine remember?”

“sino iyon?” nagmamaang-maangan niyang sagot sa akin.

“sus…”

“bilisan mo na lang maglakad alynna at nagugutom na ako….”

“nakakahiya naman dun sa tao…ang sama naman ng ugali mo..” sita ko sa kanya.

“eh sa nagugutom na ako eh. hayaan na natin siya. mamaya sumama pa sa atin iyan para kumain, pang-dalawa lang iyong niluto ko..” pagpapaliwanag niya.

“uste, sa dami ng niluto mo kahit isang linggo hindi pa iyon mauubos..ang sabihin mo nagdadamot ka lang.”

“hindi ako nagdadamot, ayoko lang may makasama pang iba ngayong bagong taon, kaysa sa iyo.” seryoso niyang sabi sa akin at sandaling tumigil at iniharap ako.

talo pa yata ng bilis ng tibok ng puso ko kahit ang sampung kabayong nagkakarera sa san lazaro dahil sa sinabi niya. it left me speechless. napatanga na lang ako sa harap niya.

“gusto kong ienjoy ang gabing ito na ikaw lang ang kasama ko. ayoko ng iba.”

not again!

wala akong naisagot kahit ano. kulang na lang yata, may pumasok na langaw sa bibig ko dahil slightly napa-aawww ako sa sinabi niya.

“tara na!” yaya niya. “lalamig na iyong lasagnang ginawa ko. sayang alam ko paborito mo iyon di ba?”

imbes na muling akbayan, ginagap niya ang kamay ko at mabining iginiya papunta sa direksiyon ng bahay ko. feeling ko maraming mata ang nakatingin sa amin. maliit lang naman ang subdivisiong iyon at sa dami ng kapitbahay ko, alam kong isa sa mga araw na ito, may magtatanong sa akin kung sino si uste sa buhay ko.

sino nga ba ha aimee? tanong ng isip ko…pero masyadong bibo ang puso ko dahil kahit hindi tinatanong sumagot ito at sinabing “si uste ang kasalukuyang nagpapasaya sa buhay mo…”

=======

uste’s pov

“ i really don’t know who provoked me to say those things to aimee... para bang may sariling isip ang puso ko ng sabihin ng bibig ko ang mga katagang iyon. sobrang halatang binibilisan ko ang lakad para mailayo sa paningin ni father si aimee. parang gusto ko ding i-shield siya sa iba pang lalaking kasabay naming naglalakad. meron pa ngang isang binata from our left side na napansin kong gustong lapitan si aimee kaya hinawakan ko siya agad sa kamay. i don’t know why i wanted to let them know that aimee is not available anymore by holding her hands. though she isn’t even my girlfriend, parang gusto ng puso ko na bakuran siya sa mga possible suitors niyang aaligid aligid.

masaya nga siyang nalaman ng mabalitaang nanliligaw na sa iba ang isa nilang ka-opisinang dating masugid na nanliligaw sa dalaga ng mabalitaan ang “tungkol” sa kanila ni aimee. infact noong christmas party nila, nilapitan pa siya ni joel para i-congratulate siya dahil napasagot niya daw si aimee….

he felt so proud ng sabihin nito iyon, kahit pa nga hindi naman totoo iyon.

nakarating na kami ulit sa bahay ni aimee. kinuha ko sa kanya ang susi para buksan ang gate at ang pinto kaya’t hindi sinasadyang nahawakan niya ang kamay ng dalaga. naramdaman niyang katulad ng panlalamig nito kanina, parang nanginginig din ang kamay nito, maybe because napakalamig ng panahon, o maybe because pareho sila ng nararamdaman ngayon,… aminado siyang kabado siya dahil bago para sa kanya ang lahat ng nararamdaman niya ngayon.

naaalala niya ang lola niya ng sabihin nito kanina bago siya umalis…

“apo ko, siguro gusto mong isang taon makasama si aimee kaysa sa amin noh, kaya gusto mong doon sa kanya magcelebrate kaysa kasama kami. binata ka na talaga justiniano…manang-mana ka sa lolo mo.”

“lola…”

“kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko apo…”

“ang alin lola?”

“basta apo, pagdating ng panahon, malalaman mo din ang sinasabi ko….darating na iyon, huwag kang mainip…may tamang pagkakataon para sa lahat ng bagay…”

“hay naku lola, you are talking in riddles again…”

“whatever it is mapagdesisyunan mo apo, susuportahan kita, kami ng lolo mo…”

“Lola?”

“sige na, wag mo na munang isipin ang sinasabi ko…. pasayahin mo na lang muna si aimee…”

“lola..”

“para maging masaya ka na din apo…”

“masaya naman ako lola ah…”

“oo, dahil andiyan si aimee…”

“dahil nandito kayo ni lolo…”

“pero mas ganap ang saya mo sa katauhan ni aimee…”

“of course not lola…”

“don’t argue with your abuela, apo…”

“okay…suko na ako…”

“i know you so well apo…ang kulang lang ay ang ako ang magluwal sa iyo, kaya hindi mo man kilala ang ibang bahagi ng pagkatao mo, ako, kilala ko…”

“go on, hinihintay ka na ni aimee…” pagtataboy niya sa akin.”

“Lola, she doesn’t even know that im going there…”

“just don’t make her cry hijo…”

“bakit ko naman siya paiiyakin, ‘la…”

“ah basta, soon….you will know it…you feel it…”

then she kissed me goodbye and ushered me out.

perfect imperfect matchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon