Phone Call and Instant Boyfriend

22 3 0
                                    

Ang ganda ko feel na feel ang long hair ko
(Ganda,Ganda!)
Ang ganda ko feel na feel ang long hair ko
(Ganda,Ganda!)

Hmm... Ano bang cellphone na 'to ang ingay-ingay problema ba neto? Alam ko naman na maganda ako hindi mo naman kailangan ulit-ulitin pa -.- Dahil sa iritang-irita na ako sinagot ko na yung tawag para tumigil na kaiiingay ng cellphone ko.

"Oo alam kong maganda ako, sino 'to?"

I don't care if I sound crazy and mean antok pa ako istorbo masyado sa tulog ng napakagandang si ako.

"Can you be my girlfriend?"

"Oo kaya tantanan mo na ang kakapa-ring ng cellphone ko at antok pa ako."

"Really? Thank you babe. I love you."

"Yeah I love you too."

Then I hang up I want to sleep more.

zzzzZzzZzz

------------------------------

"Ate ganda! Ate ganda!"

Ay tae ka Chazhi! Bakit ba lumulukso-lukso ang batang ito sa kama ko e kita ng natutulog ang dyosa.

"Ano ba Chazhi! Tantanan mo yang paglukso-lukso mo sa kama kita ng natutulog ako." saway ko sa kanya.

"Ate ganda! Ate ganda! May tao sa labas!"

"Ano na naman bang trip yan Chazhi? Kanina lang tinatawag mo akong panget tapos ngayon tatawag-tawagin mo akong ganda. Nakasinghot ka ba?" asar kong sabi.

Ito talagang batang 'to ang lakas ng man-trip lalo na pagdating sa akin.

"Ate ganda tumayo ka na kasi diyan! Sabing may naghihintay sayo sa baba!"

Tinignan ko siya at ngumisi.

"Di inaamin mo na ngayon na maganda talaga ako at hindi ako panget ha Chazhi? Na mali ka? Na maganda talaga ako." nakangisi kong sabi.

"Ay naku! Daming satsat! Bumababa ka na 'wag mong pinaghihintay ang taong naghihintay sayo sa ibaba!" sabay baba sa kama.

"Eh sino ba kasi yang naghihintay sa akin?" tanong ko sa kanya.

Curious ako sino ba kasi ang pupunta dito sa bahay -.- wala naman pasok -.- Nakakapagtaka naman ang ganun.

"Yung boyfriend mo kaya bilisan mo na." sagot niya at sabay alis na sa kwarto.

"Boyfriend ko lang naman pala ang naghihintay sa akin so pwede naman palang bagalan. Si Chazhi talaga O.A kung minsan."

Tumayo na ako sa kama para makapag-ayos ng sarili ko ng...

Boyfriend

"BOYFRIEND! Kailan pa ako nagka-boyfriend?" natataranta kong tanong.

O.O






"CHAZHIIIIIIIIIII!"

"Mag-ayos ka na diyan ate ganda! At naghihintay na dito boyfriend mo!"

WHAT THE! Paano ako nagka-boyfriend? Ano 'to? Natulog lang ako at pag-gising ko nagkaroon na ako ng instant boyfriend?

"ATE GANDA! BILISAN MO NA DIYAN!"

"CHAZHI! ANO BA 'WAG MO NGA AKO I-PRESSURE!"

"AHAHAHAHA! Sige ako na muna ate ganda bahala sa boyfriend mo!" humahalakhak na sagot ni ChaZhi.

GOSH! Ano bang nangyayari ngayon? Panaginip ba 'to? At bigla kong pinisil ng malakas ang pisngi ko.

"Aray... ang sakit." at hinimas-himas ko pisngi ko.

How does it feel when you're in LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon