Prologue

111 5 0
                                    

Halos umiyak na siya sa insulting inabot niya sa isang customer. Kahit alamg niyang sa sarili niya na wala siyang kasalanan ay hindi nalang siya kumibo sa pag aakala na hindi lumaki ang problemang pinasok niya.

"Tarantada!Bakit hindi mo ba alam na nag change price na kayo at anong klaseng cashier ka! trabaho mong alamin lahat ng nangyayari dito sa tindahan niyo lalo na ang mga presyo!!" sigaw ng babaeng may katandaan na at nakapamewang pa ito habang pinapagalitan siya sa karamihan. Hindi siya kumibo para hindi na lumaki ang gulo. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang alam, ni hindi siya pinaalam ng kanyang manager tungkol sa pag increase ng presyo ng mga produkto. Kahit ang kanilang manager ay hindi siya magawang ipagtanggol.

Tahimik lang siya nakauyoko at pinakikinggan ang mga sinasabi ng mga customer na nasa ilalim ng tindahan sa oras na 'iyon.

"Ma'am pwede niyo po naman hindi kunin 'yung item at tsaka po hindi kop o naman alam na nagbago na pala 'yung presyo." Paliwanag niya.

Tinaasan lang siya nito ng kilay at sinabihan siya ng "Tumahimik ka anong akala mo sa akin walang pera?!" taray nitong sinabi sabay hablot sa kanyang I'd.

"Ahh Nadine Encarnacion pala ang pangalan mo." At ngumiti pa ito.

Nilabas niya ang resibo at binayaran na ng babae ang kanyang bayaran bago ito umalis ay nagbanta pa ito.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo." At tumalikod na ito at lumabas ng tindahan.

Halos mawalan siya ng lakas sa sinabi ng babae hindi niya alam pero natakot siya sa sinabi nito.

The Cashier (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon