Chapter III

106 6 5
                                    

"Nakakakilabot 'yung ginang na natagpuan sa girl's room." Salubong ni Rina kay Lucia pagkatapos niyang kumain.


"Bakit nakita mo ba?"


"Hindi, 'yung kakilala ko. Oo nakita niya. Ang sagwa raw tingnan akalain mong laslas 'yung leeg ng ginang at ang masaklap 'yung mukha niya doon daw sa toilet bowl, napuno nga ng dugo 'yung toilet bowl, nakakadiri!"


"Siguro may nagawa siyang kasalanan kaya ganun na lang ang kanyang sinapit." Malamig na tugon ni Lucia.


"Siguro nga, hindi naman siya papatayin kung naging maunawain lang siguro siya, yan ang hirap sa mga mayayaman, mata pobre."


"Hahaha tama ka dyan Rina. Hayaan mo na 'yun at magtrabaho na tayo."


Natapos ang araw niya na wala man lang nakakaalam sa ginawa niya. Hindi niya pinagsisihan ang pagpatay sa ginang.

"

Bagay lang 'yun sa kanya." Sa isip niya habang naglalakad pauwi. Gabi nan g makauwi siya kasi 11-8pm 'yung shift niya.


Habang naglalakad ay may tumawag sa kanya.


"Psssstt.. miss bago ka ba dito?" Tanong sa kanya ng isang tambay halatang adik ang isang ito. Hindi siya kumibo at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.

"Miss, ang snob mo naman!"


Hindi pa rin siya kumibo ng hawakan ng adik ang kanyang braso.


"Ano ba?!" Inis na sigaw niya. Hindi sumagot ang adik sa halip ay nakangisi lang ito.


"Wag kang masyadong suplada miss." Ngisi nito.


"Anong gagawin mo?" Tarantang tanong niya.


"Masyado ka kasing mayabang ang bagay sa'yo gahasain at patayin!" Akmang gagawan na sana siya ng masama ng lalaki ng tumawa siya ng malakas.


"Hahaha, Talaga?!" Sarkastikong tawa niya. Nalito ang lalaki sa kanyang reaksyon.


"Hindi ako nagbibiro miss!"


Hinawakan siya ng mahigpit ng lalaki at idiniin sa pader, masikip ang lugar at walang tao sa oras na 'yun. Hindi siya kumibo.


"Ang lakas ng loob mong tawanan ako, ikaw naman pala 'tung walang magawa." Pero natigilan ang lalaki ng mapansin niyang iba na ang tingin sa kanya ni Lucia at sabay kuha nito sa kutsilyo, ang kutsilyong gamit niya sa pagpatay sa ginang kanina.


"Ang yayabang ng mga tao ano?! Kung mahina ka pagsasamantalahan ka kung hindi naman ay pinagloloko ka o sinasaktan ka? Paano kaya kung sila naman 'yung hihingi ng awa."


"Tumigil ka! Ang lakas ng loob mo! Sigaw ng lalaki at lalo siyang idiniin sa pader. Pero nasaksak na siya ni Lucia bago pa man siya nakagawa ng di kanais nais.

The Cashier (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon