Dalawang linggo ang lumipas at parang bulang naglaho ang isyu tungkol sa nawawalang pera. Pero hindi na ito iniisip ni lucia wag lang gagawa ng di kanais nais si miss shana ng hindi siya maputulan ng dila nito.
Habang naglilinis sa tindahan ay may pumasok na customer na may kasamang batang nasa tatlo ang edad.
"Miss, pwede patulong?" Ngiting tanong sa kanya ng customer.
"Yes po ma'am."
"Aahh kasi, may sabon ba kayo para sa pimples?" Alinlangang tanong sa kanya ng customer.
"Yes ma'am acnesoap." Ngiting tugon niya.
HAbang nag uusap sila ng customer ay biglang umiiyak ng malakas ang batang dala nito at takot na takot, nakatanaw ito sa kinatatayuan ni lucia.
"Mumu!!mama!!" Sigaw habang umiiyak ang bata.
"ANak bakit?!" TArantang tanong ng kanyang ina.
Nag alala ang customer sa reaksyon ng kanyang anak. Nakatingin lang si lucia habang ang mata naman ay nakatingin pa rin sa kanya. Nakatayo mula sa likuran ni lucia ang isang babaeng mahaba ang buhok, maputla, nakasuot ng mahabang maputing damit at mga matang duguan na nakatutuk sa batang maliit.
Tumakbo palabas ng tindahan ang batang maliit kaya naman ay tarantang sinundan ito ng kanyang ina, habang si lucia naman ay naiwan at kunot noong sinundan ang customer ng tanaw. Papasok naman si miss shana ng tindahan ng muntikan na siyang bungguin ng bata.
"Sorry po." Humihingi ng paumanhin ang ina ng bata sabay takbo para sundan ang bata.
Kunot noo naman pinagmasdan ni miss shana ang customer at agad pumasok sa tindahan.
"Anong nangyari lucia?!" Sigaw nito mula sa pinto.
"Po?" Maang tanong niya habang pinupunasan ang stante ng mga sabon.
"Yung customer?!"
"Hindi ko nga rin alam po, bigla nalang tumakbo yung bata palabas at iyak ng iyak."
"Siguraduhin mo lang wala kang ginawa sa bata, baka ikasisira yan ng imahe ng ating tindahan!" Banta nito sabay pasok sa opisina.
"Siguraduhin mo rin kilala mo ang iyong kinakalaban, baka bukas makalawa,nakabitin ka na dyan sa kisame ng patiwarik!" Sa isip niya.
Tahimik pa rin siya habang naglilinis, matumal ang binta sa araw na iyon kaya naman panay linis lang ang ginawa niya.
"Bakit kaya titig na titig yung bata sa akin?! Hindi naman nakakatakot mukha ko? Baka alam niya mamamatay tao ako? Pero impossible naman yata." Iling iling siya habang nagpupunas. ANg hindi niya napansin ay nakatuon pala sa kanya ang atensyon ni miss shana.
"Tingnan mo manong guard, parang baliw kinakausap yung sarili, ewan ko ba kung bakit yan tinanggap dito, parang sira ulo."
"Mabait po si lucia maam, sa katunayan ay naging malinis ang tindahan simula ng dumating siya. Naging maayos rin ang pagkakalagay ng mga produkto." Tanggol sa kanya ni manong guard.
"Para sa akin, kulang pa ang pagiging masipag niya! Kung nandito na ako ng mangapply siya, siguradong hindi yan tanggap!"
Hindi na sumagot si manong guard para hindi na lumaki ang usapan.
Natapos ang shift niya ng maayos at inindorso niya kay miss shana ang perang kinita niya bago nag log out.
"MAgaling aahh, walang over at walang kulang." PAng iinis sa kanya.
"Itago niyo po mabuti, baka mawala na naman." MALamig niyang tugon.
"Pinagbibintangan mo ba ako lucia?!"
BINABASA MO ANG
The Cashier (On-Going)
HororMarunong rumispeto kung ayaw mong may mangyari sa'yo...