Chapter V

71 2 2
                                    

"Lucia pinatatawag ka sa office ni doktora." Si Rina.


"Bakit daw?" Maang niyang tanong. Kakarating lang niya sa kanyang pinagtratrabahuan.


"Last day ko na ngayon, baka magmemeeting."


Tumango lang siya at nag log in sa computer, inayos ang sarili at agad nagtungo sa office.

"


Relax." Sabi niya sa kanyang sarili sabay katok sa pinto.


Tok..


Took..

Took..


"Come in." Sabi ng boses ng nanggaling sa loob ng opisina, pumasok si Lucia at nakita niya si doktora na may kasama ito.


"Good morning Lucia." Bati sa kanya ni Doktora Francisa.


"Good morning din po ma'am" GAnting bati niya.


"We're here to discuss some important matter regarding the store; dahil today is the last day of Rina so I decided na dito muna si Miss Shana to supervise the store kasi under training pa ang manager natin na si Miss Nova, maybe by the other week ay makakaduty na rin siya. Dahil sa wala pang kapalit si Rina, so ikaw muna Lucia ang morning shift at si Miss Shana naman ang matatake over after ng shift mo. Like before, kailangan kumita tayo para makuha natin ang kota this month, pagmakuha niyo naman ay alam niyo naman na may incentives kayong makukuha. So? Goodluck for that guys. At isa pa I checked the store status at okey naman lahat, pati yung gross sales ninyo this month ay okey rin, so wala akong problema doon. So kailangan lang, know to handle the customers at kung pwede encourage natin sila bumili ng ibang product natin, ikaw na bahala sa morning shift Lucia, ask Rina about anything you want to know ok?"


Tumango lang siya at tahimik na nakikinig sa may-ari ng tindahan.


"So?Okey na wala na akong dapat problemahin."


Pagkatapos ng kanilang usapan ay lumabas na si Lucia at naiwan naman si Miss Shana dahil may pag uusapan pa sila ng may-ari.



"Kumusta ang meeting?" Ngiting salubong sa kanya ni Rina.


"Mabait ba 'yung si Miss Shana?" Alinlangan pa niyang tanong.


"Hay NAku!" Buntong hiningang sagot ni Rina.


"Ang alam ko, inireklamo yan ng isang customer doon sa Cebu, masyado raw kasing strikta, hindi nga lang napatanggal kasi malakas kay madam." And Rina rolled her eyes.


Tumawa ng mahina si Lucia sa reaksyon ni Rina.


"Ba't ka tumawa?"


"Nakakatawa ka kasi, halatang ayaw mo sa kanya."

The Cashier (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon