Ilang araw ang lumipas, matapos ang pag uusap nila ni MAine ay napapansin niyang palagi nalang balisa at wala sa sarili ang kaibigan.
Minabuti nalang muna niyang wag kulitin ito.Isang gabi, dahil sa masama ang pakiramdam ni Maine ay hindi ito pumasok sa trabaho. Nagising nalang si Lucia sa sigaw at iyak nito.
"Tama na po! Maawa naman huh kayo." Ngiyak ngiyak nitong sabi habang natutulog, tahimik na tumayo at pinagmamasdan ni Lucia ang kawawang kaibigan.
"Ang taong iyon." Iling iling siya habang nagkuyom ang kanyang mga palad sa galit.
"Walang puwang sa mundong ito ang mga taong mapanglait at mga taong kung mangbaboy ng kapwa akala mo kung sinong diyos! Ang dapat sa kanila katayin ng buhay!" Nanlilisik ang kanyang mata sa galit at bumalik na sa paghiga.
Kinabukasan....
Dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi ay maaga nagising si Lucia habang si Maine naman ay tulog pa rin.
Muiling iling siya sa tuwing pinagmamasdan ang kawawang kaibigan.
"Ang mundo talaga sadyang mapanganib, kung hindi mo kayang itanggol ang sarili mo kawawa ka talaga, hayaan mo Maine, hayaan mong iligpit ko ang mga taong mapang'api."
Pumasok na siya sa kanyang trabaho. Habang naglilinis ay maagang pumasok si Miss Shana at nagtaka siya kung bakit maaga itong pumasok.
Walang kibo siyang naglilinis habang si Miss Shana naman ay nakatayo sa kanyang likuran na parang binabantayan ang bawat kilos niya."Lucia may customer! Puntahan mo dali!" Tumango lang siya at pinuntahan agad ang customer.
"Yes po ma'am?"
"Ahh miss may liquid foundation ba kayo?"
"ahh yes po, dito po tayo." Sabay turo sa mga liquid foundation.
Pagkatapos bayaran ng customer ang kanyang binili ay bumalik na sa paglilinis si Lucia.
"Lucia!"
"Bakit po Miss Shana?" Kahit iritado na ay pinilit pa rin niyang kalmahin ang kanyang boses.
"Linisin mo nga itong lagayan ng mga lotion!ang daming alikabok!at gumawa ka na rin ng daily inventory para malaman natin kung ano ang kulang sa tindahan, dahil gagawan ko ng report!"
Kahit iritado ay hindi niya pinahalata at ginawa niya lahat ng mga utos ni Shana ng walang kibo. Tahimik lang siya hanggang sa matapos ang shift niya.
"Salamat naman at makakauwi na rin."
Habang naglalakad pauwi ay nagtatanong tanong siya sa bawat bangketa na madaanan kung saan matatagpuan ang jewel restobar.
"Ahh, ineng sa bandang iskinetang iyon lumiko ka at doon mo makikita yang bar na hinahanap mo."
"Salamat po hah?"
"Magtratrabaho ka ba dun ineng?"
"Aahhh hindi po, hinahanap ko po kasi kaibigan ko, sabi niya doon daw siya nagtratrabaho."
"Ingat ka dun ineng, balita ko halimaw daw ang may ari ng bar na iyon."
"Ganun po ba?"
"Iyon lang ang naririnig ko ineng, ewan ko kung totoo." Ngumiti lang siya sa matandang babae na nakaupo sa bangketa at agad na nagpaalam para umuwi.
Pagdating niya sa boarding house ay nadatnan niyang naglalasing si MAine.
"Maine?"
"Tagay tayo Lucia!" Alok nito at halatang lasing na.
"Bakit ka umiinom?" Sabay upo sa katapat na upuan ni Maine.
"Ewan ko." Wala sa sariling sagot nito sabay inom sa basong may lamang beer.
"Maine, sabihin mo sa akin kung may problema ka?" Seryosong tanong niya sa kaibigan habang ito naman ay wala na sa sarili.
Hindi kumibo si Maine, hinayaan siya ni Lucia na umiinom, nakatingin lang sa kanya ang kaibigan at nakamatyag sa bawat inom niya ng beer.
"Tama na yan." Awat nito sa kanya sabay kuha sa baso at sabay lunok nito.
Tulala siyang pinagmasdan ni Maine.
"Bakit?"
"Lucia, umiinom ka pala?"
"Hindi, ayaw mo paawat ei, lasing ka na, ba't ba kasi ayaw mong sabihin sa akin yang problema mo?"
"Pumunta ako kanina sa bar, sinabi ko kay mamita na magreresign na ako.."
"Tapos?"
"Ayaw niya Lucia, may utang pala siya sa intsik na iyon, hindi ko alam ang gagawin ko." Nanginginig at halos maiyak iyak na sabi ni Maine.
Seryoso lang siya sa pakikinig sa kaibigan habang tinutungga ang isang basong beer.
"Soh?anong plano mo?"
"Hindi ko alam Lucia, ayaw ko ng paulit ulit nalang niya ako binababoy." At tumulo ang mga luha nito.
"Kung umuwi ka na lang muna sa inyo?"
Suhisyon niya."Hindi pwede, minsan na akong pinagbantaan ng taong iyon, ayaw ko ng madamay ang aking pamilya." Malungkot nitong tugon.
"Hayaan mo, may oras din ang mga taong ganyan." Panigurado niya at tumango lang si MAine.
Inalalayan niya si maine patungo sa kama nito. Masyado na itong lasing at nakatulog na rin, samantalang iniligpit niya muna ang kalat at inayos ang sarili sa harap ng salamin.
"Galit ako, galit ako sa mga taong mapang'api, walang puwang sa mundong ibabaw ang mga taong iyon!" Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit at nagkuyom ang kanyang mga palad habang nakaharap sa salamin.
Habang nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit ay napansin ni Lucia ang isang babaeng nakatayo sa kanyang likuran.
Tinitigan niya ito buhat sa salamin, tumindig ang kanyang balahibo ng biglang dahang dahan tumingin sa kanya ang babae.
Duguan ang mga mata nito at tumutulo pa ang mga dugo buhat sa mga mata nito. Nakatingin siya kay Lucia.
"Waahh!" Sa gulat ay napasigaw siya at napaatras.
BINABASA MO ANG
The Cashier (On-Going)
HorrorMarunong rumispeto kung ayaw mong may mangyari sa'yo...