Chapter VI

66 4 3
                                    

Continuation..


MAine's POV:


Halos nangatog ang aking buong katawan sa aking nakita. Isang babaeng mahaba ang buhok ang nakayakap kay Lucia. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, papasok ba ako sa silid namin?o tatakbo nalang palayo? Pero nilakasan ko ang aking loob, pumasok ako sa aming silid, na siyang ikinagulat ni LUcia.




"Lucia!"




"Maine?" Takang tanong niya sa akin, halatang nagulat siya sa akin.




Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ang aking nakita kanina. Pero natigilan ako ng makita ko buhat sa likuran niya ang isang babaeng nakayuko.




"Maine?" Pukaw ni Lucia sa tulala kong kaisipan.




Pero hindi ko magawang makakilos, nanginginig ang aking mga tuhod at sobrang lamig ng aking kamay. Nakayuko lang ang babae at hinay-hinay itong tumingin sa akin. Nakatingin sa akin ang kanyang dalawang matang puno ng dugo! At ang kanyang kamay na akmang hahawakan na sana ang likuran ni Lucia, ng lumapit si Lucia sa akin. NApalunok nalang ako dahil sa takot.




"HOY?Parang nakakita ka yata ng multo?"




Hindi ako sumagot kay Lucia, nakatingin pa rin ako sa babae pero naglaho ito bigla.



"MAine?Okey ka lang?"



Tumango lang ako at dali dali kong dinampot ang cellphone ko at umalis agad ng boarding house.



_________________________________________________________________________________________________________




"Ang weird ni Maine." Kamot ulong kausap ni Lucia ang sarili.




"Makatulog na nga at bukas ay panibago na namang araw, panibagong papatayin na naman." Ngiting tugon niya sa sarili.




Hindi makatulog si Lucia, wala siyang ginawa kung hindi bumalikwas balikwas sa kanyang higaan.

The Cashier (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon