Maagang nagising si Lucia dahil na rin sa ingay ni Maine.
"Ano ba 'yan ang ingay naman."
"Mga walang hiyang mga lalaki 'tu ang lakas mag demand wala naman palang pera!" Sigaw ni Maine habang padabog niyang isinara ang pinto ng kanilang kwarto.
"Anong problema Maine?" Hindi niya pinahalata na nairita siya sa ingay ni Maine.
"Ei kasi naman 'yung isang customer ang kapal ng mukha! Hinipuan ako tapos wala naman palang perang pambayad!" Inis nitng tungod sa kanya.
"Sana pinatay mo nalang." Seryoso niyang sagot. Tumahimik si Maine at seryoso siyang tiningnan.
"Seryoso ka yata?"
"Joke lang." Nakatawang sagot niya.
"Akala ko naman seryoso ka, nakakatakot." Ganti naman sa kanya ni Maine.
"Hindi ahh hindi ko kayang pumatay pwera na lang kung may nagawa silang kasalanan sa akin. Aba! Dapat pagbayaran nila.
"Hay!naku matutulog na nga lang. Nakakatakot ka naman kausap." At tinalikuran na siya nito at nagtungo sa kanyang kama.
Dahil mamaya pa 11am ang kanyang duty ay naglinis muna at naghanda ng makakain si Lucia. Inihanda na rin niya ang kanyang sarili para pumasok ng maaga.
"Wag masayadong seryoso." Ani niya sa kanyang sarili sabay ngiti.
Inayos niya ang kanyang sarili sa harap ng lumang salamin.
"Ito na 'yun humanda ang dapat malagot at humanda ang sino mang makita kong hindi kanais-nais ay agad mamamatay." Ngiting-ngiti sabi niya sa sarili habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok.
"Maine, alis na ako." Paalam niya kay Maine pero hindi 'tu sumagot kasi mahimbing ang tulog at isinara niya ang pinto.
Magulo ang daanan palabas ng kanyang boarding house pero hindi niya 'tu pinansin, diretso lang ang kanyang lakad at hindi pinapansin ang bawat tao na nararaanan niya. Dahil malapit lang ang mall ay nilakad lang niya ito. Masyado siyang maaga para sa oras ng trabaho niya kaya naman ay gumala gala muna siya sa mall, may isang kalahating oras pa siya.
"Tanga! Bakit expired na 'ito?!" Sigaw ng isang customer sa isang empleyado sa supermarket.
"Ma'am sorry po talaga hindi po kasi naming na check 'yung item, pwede po naman ninyo palitan." Sagot ng diser na nasa stall ng mga de lata.
"Ang dapat sa'yo ay matanggal sa trabaho! Hindi mo inaayos trabaho mo!!"
"Ma'am sorry po talaga, hindi ko naman talaga alam na expired na pala 'yung item." Pagmamakaawang sabi ng diser sa customer pero hindi siya nit pinakinggan.
Narinig lahat ni Lucia ang pangyayari, tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang pag aalipusta ng customer sa empleyado.
"Yabang naman ng customer na 'tu nag sorry na nga 'yung tawo at inamin na nga 'yung kasalanan ayaw pangtanggapin."
Isinumbong sa manager ng supermarket ang pangyayari, walang magawa ang manager kung di ipatanggal ang diser.
"Ma'am maawa naman kayo, may pamilya po ako!" Pagmamakaawa ng diser pero hindi natinag ang ginang at agad itong lumabas ng supermarket.
Lihim na sinundan ni Lucia ang ginang at pumasok ito sa girl's room. Pumasok din siya at nakamatyag sa bawat kilos ng ginang, tahimik lang siya habang nakatingin sa salamin. Akmang papasok n asana ang ginang sa toilet cubicle ng magsalita si Lucia.
"Bakit ganun noh?" Seryoso niyang sinabi habang nakatingin sa salamin. Hindi siya pinansin ng ginang at gumawa pa ito ng hand gesture na ang ibig sabihin ay baliw sabay pasok ng toilet cubicle.
"Bakit ganun, bakit ang hirap intindihin ng tao? Humingi ka na nga ng tawad yaw pa rin tanggapin. Ano kaya 'yung feeling na, ikaw 'yung humihingi ng awa at ayaw kang pakinggan. Di ba ang saklap n'un?
Kinabahan ang ginang sa ilalim ng toilet cubicle tahimik lang siya at napansin niyang isinara ni Lucia ang pinto at ini'lock. Sabay tadyak sa pintuan kung saan nandun ang ginang.
Nakangisi lang si Lucia hanbang ang ginang naman ay nagulat sa ginawa nito.
"Aba't ang bastos ng batang ito!" Taray niya.
"Bastos po ba? Ei kayo anong tawag sa inyo di ba humingi na 'yung tao ng sorry pero hindi niyo pinakinggan?" seryosong sagot ni Lucia at nakangiti pa ito.
"Anong binabalak mo?"
Hindi sumagot si Lucia sa halip ay sinaksak niya ito ng kutsilyo na leeg. Tumalsik ang dugo sa kanyang mukha.
"Yan ang sagot ko sa'yo, wag na wag kang gagawa ng mga bagay-bagay kung ayaw mong gawin sa'yo o higit pa ang gagawin sa'yo." At ngumiti pa siya. Inilagay niya ang mukha ng ginang sa toilet bowl at isinara ang toilet cubicle. Mabilisan siyang naghilamos at agad binuksan ang pinto, mabuti nalang at walang tao at walang nakapansin sa kanya. Tuwang tuwa siya habang nilibot libot niya ang mall.
"30 minutes nalang at duty ko na." Nakangiti niyang sabi sa kanyang sarili. Ilang minuto ang lumipas ay agad siyang nakadinig ng pagsigaw mula sa girl's room.
"Good morning Rina." Bati niya sa kanyang kasamhan.
"Good morning din Lucia." Tugon nito.
Nag sign in siya sa computer at agad nag ready para sa shift niya.
"Alam mo ba?"
"Anong alam?" Kunot noo niyang tanong kay Rina.
"May natagpuang patay sa girl's room!" Sigaw nito at nagkatinginan ang mga customers nila.
"Huh??! Kailan??" Inosenteng tugon naman niya.
"Ngayon lang, ang narinig ko kasi itong babaeng natagpuang patay ay may ipinatanggal na empleyado sa supermarket, siguro ay ginantihan siya."
"Bakit ano raw ang nangyari at bakit siya pinatay?" Inosenteng tanong na naman niya.
"Ang narinig ko kasi ay 'yung bibilhin sana siyang de lata ay expired pala kaya nagalit, humingi na nga ng sorry 'yung diser at ayaw pang pakinggan, kawawa nga 'yung diser kasi pinatanggal ng customer."
"Ganun ba?"
"May ibang customer talagang abusado, inaabuso 'yung customer is always right, kaya ikaw mag ingat ka." Paalala sa kanya ni Rina.
Ngumiti lang siya.
"Tara na check na natin 'tung cash at para makapag lunch break na ako."
Ngumiti lang siya at agad na binilang ang cash. At nagkaha na rin siya pagkatapos.
BINABASA MO ANG
The Cashier (On-Going)
HorrorMarunong rumispeto kung ayaw mong may mangyari sa'yo...