Chapter IV

82 4 3
                                    

Wala siyang pasok sa araw na ito kaya naman ay buong arawsiyang nagpahinga sa kanyang boarding house.

"Magandang umaga." Bati sa kanya ni Maine na kakarating langgaling trabaho.

"Magandang umaga din sa'yo." Ngiting tugon niya.

"Ohh? Maganda yata ang mood natin aahh."

"Haha, Jackpot kasi girl, kasi may nagtable sa akinforeigner. Ang bait at ang laki ng binigay sa akin na tip." Ngiting tugon sakanya ni Maine.

"Wow!kung ganyan lang sana. Ei di palagi kang nasa good mood."

"Oo nga, hayaan mo na 'yung nangyaring isang gabi. Ganuntalaga, iba-iba kasi ang tao."

"Oo, nga." Tipid naman niyang sagot.

"Ito may dala akong pagkain, kain tayo."

"wag na nakakahiya naman." Mahina niyang sagot kay Maine.

"Sus, wag kanang mahiya, ikaw din minsan nga lang akongmanglibre aayawan mo pa." Busangot nito sa kanya.

"Sige na nga." Ngiti niyang tugon at nag ayos na sila paramakakain.

Agad umalis si Maine pagkatapos nilang kumain. Naligo langito at nagbihis at umalis kaagad. Naiwan naman siyang nag iisa sa kanilangsilid. Hinayaan niyang maging busy ang kanyang sarili sa mga bagay-bagay, tuladnag pag-aayos ng mga damit at labahin niya.

 

"Ate kumusta ka na?"

"Alam mo ate, namimiss na kita, kayo ni Inay."

 

"Kung hindi dahil sababaeng iyon! Wala sana ako dito!"

 

"Pero ok lang,talagang pagbabayaran nila ang kanilang ginawa sa atin."

 

Matapos magligpit ay naisipan ni Lucia na umalis ng boardinghouse, naisipan niyang gumala gala sa kanilang lugar para naman maging kabisadosiya rito. Habang naglalakad ay nakita niyang sinisigawan ng isang ale angisang dalagita.

"Tanga!!!di ba ilang beses ko ng sasabihin sayo napagbutihin mo ang pag seserbisyo dyan sa customer natin!"

"Opo maam, kaso hinihipuan na niya po kasi ako." Mahinangsagot ng dalagita.

"Wag kang magreklamo ineng!Trabaho mo 'yan!Baka nakalimutanmong may utang ang mga magulang mo sa akin!Pasalamat ka na lang atpinagtratrabaho pa kita dito!" Bulyaw sa kanya ng ale.

Tahimik lang na nakikinig si Lucia sa kanilang pinag-uusapanng hindi niya napansin ay napansin pala siya ng ale.

"Ikaw! Anong ginagawa mo rito?!Nakikinig ka sa usapan ngiba?!"

"Hindi po, napadaan lang po ako."

"Alis!" Sigaw ng ale sa kanya.

Tahimik lang siya napangiti. "Ang taray, akala mo naman kung sinong Dyos kung makaalipusta." Sabaylakad papalayo.

"Ate, tulungan mo ako!" Iyak niya habang natutulog.

Nadatnan siya ni Maine na kakauwi lang.

"Lucia, gising." Uyog sa kanya ni Maine pero patuloy pa rinang kanyang pag iyak.

"Lucia!"

"Maine?" Gulat niyang tugon.

"Ginising kita kasi kanina ka pa umiiyak at tinatawag mo angate mo."

"Hah?Ganun ba? Wala masama lang kasi ang napanaginipan ko.Kanina ka pa?"

"Hindi naman."

"An aga mo yata?"

The Cashier (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon