"Hello ikaw pala 'yung bagong cashier?" Tanong sa kanya ng kasamahan sa trabaho at tumango lang siya.
"Halika at tuturuan kita paano magkaha." At tumango ulit siya.
Natanggap siya sa isang cosmetics store sa isang mall bilang isang kahera. Dahil na rin angkop sa kanya ang trabaho ay agad siyang natanggap.
"Ako nga pala si Rina. Ikaw?" Tanong sa kanya ng kasamahan niya.
"Lucia." Matipid niyang sagot.
"Ang tahimik mo naman."
Ngumiti lang siya at hindi nagsasalita nakikinig lang siya sa lahat ng tinuturo sa kanya ni Rina. Dahil buntis si Rina ay kailangan na nito mag resign sa pinagtratrabahuan.
"Ilang buwan na ba yang tiyan mo hah?" Usisa niya.
"Maglilimang buwan na, kaya nga ikaw na ang kapalit ko kasi bawal ang buntis sa ganitong trabaho." malungkot niyang tugon.
"Malungkot ka?"
"Hindi naman, siguro naghihinayang lang." sagot niya at pilit pa siyang ngumiti.
"Pagbutihin mo ang trabaho mo hah? kasi masungit at masyadong maldita ang may-ari ng tindahan, kaya kailangan mo talaga mag focus, wag na wag kang gagawa ng mga bagay bagay na ayaw niya." Paalala niya kay Lucia.
"Bakit may nangyari na bang hindi maganda sa'yo?" Maang tanong niya.
"Hindi sa akin."
"Ei Kanino?"
"Wag na wag mong ipagkakalat hah?" At tumango lang siya.
"Kasi.." Sasabihin na sana ni Rina ang pangyayari noon ng naputol ng biglang dumating ang may ari ng tindahan.
"Ano Rina naturuan mo na ba itong bago paano magkaha?!" Taray nitong tanong kay Rina at tumango lang si Rina.
"Sige, Ano pa nga ba 'yung pangalan mo Ineng?" Taas kilay na tanong sa kanya ng may-ari ng tindahan.
"Lucia po." Mahina niyang sagot.
"Lucia? Okay Lucia sundan mo ako sa office kasi e'oorient pa kita sa mga bagay bagay about sa business natin." At naglakad papasok ng office ang babae at sumunod naman si Lucia sa kanya.
Nasa 50's na ang babae, matangkad, payatin, maputi at hindi naman masyadong kagandahan. Isa itong dermatologist, dahil sa pagiging derma nito ay naisipan nitong itinda ang ibang produkto na meron siya at ang iba naman ay purong pampaganda na.
"Have a seat." Alok sa kanya ng may-ari.
"By the way I am Doktora Francisca Miranda, isa akong dermatologist, ang trabaho mo dito Lucia is not only a cashier but also a Sales associates, you need to encourage our customers na bumili ng product natin, as possible dapat may mabili silang produkto bago sila lumabas ng tindahan natin. I checked from your resume that you had already a background in cashiering, so wala na pala ako dapat problemahin sa'yo. Until katapusan nalang ng buwan dito si Rina at mag reresign na siya, siguro naman ay alam mo na ang dahilan. So? goodluck and be nice."
Tumango lang siya at hindi kumibo.
"Any questions regarding the job?"
"Wala po." Matipid niyang sagot.
Pagkatapos nilang mag usap ay lumabas na siya ng office at pinagpatuloy ang kanilang naudlot na gawain ni Rina kanina.
"Kumusta?" Ngiting salubong sa kanya ni Rina.
"Okay lang naman." and she smiled back.
"Ano nga ba 'yung sasabihin mo sa akin kanina?"
"Wag na muna ngayon kasi nandyan si Madam baka marinig pa tayo."
Hindi na niya kinulit si Rina, pagkatapos ng araw na 'yun ay umuwi na siya sa kanyang inuupahang boarding house. Maliit lang ang kanyang boarding house nasa squatter area ang kinaroroonan nito, masukal, mabaho, maingay at higit sa lahat magulo. Pansamantala muna siya ritong nanirahan dahil ito lang talaga ang nakayanan ng pera niya.
"Tiis tiis muna Lucia, makakaganti ka na rin, malapit na." Bulong niya sa kanyang sarili habang nagliligpit ng mga gamit niya sa kanyang silid.
"Ikaw pala ang bagong salta dito sa Maynila, Kumusta naman ang Maynila para sa'yo?" Tanong sa kanya ng kasamahan niya sa kwarto.
"Okay lang naman Maine." Kabit balikat niyang sagot.
Si Maine ang kanyang kasama sa kwarto, tulog ito pag umaga at sa gabi naman ay wala para magtrabaho. Sa isang club nagtratrabaho si Maine malapit sa kanilang lugar.
"Mag ingat ka dito Lucia, ang tulad mong probinsyana ay lapitin sa disgrasya kaya mag ingat ka." Paalala sa kanya ni Maine.
"Wag kang mag alala, okay lang ako at sanay na rin kasi ako mag isa." Sagot niya.
"Oh sige, siya nga pala duty na ako girl, Ingat ka dito ha?" At umalis ng nga ang kanyang kasama sa kwarto, at naiwan siyang mag isa.
"Ito na 'yun, humanda ang dapat malagot." Ngiting ngiti siya habang kausap ang sarili.
BINABASA MO ANG
The Cashier (On-Going)
HorrorMarunong rumispeto kung ayaw mong may mangyari sa'yo...