Chapter IX

33 1 0
                                    

Nagising si Lucia na wala na si MAine.


"Kawawa naman bakit ganito ang mundo,masyadong mapang'api sa mga taong walang kalaban laban." Iiling iling pa siya sabay kuha sa tuwalya. Habang naliligo sumagi sa isip niya ang nangyari kagabi.


"Panaginip ba yun?" Bulong niyang tanong sa sarili habang sinasabon niya ang parteng braso ng katawan niya.


"Pero bakit parang totoo?" Kunot niyang bulong tanong ulit habang binabanlawan ang sarili.



Pumasok ng maaga si Lucia at dahil day off ng Miss Shana na iyon medyo nabawasan ng problema niya ang araw na iyon.




"Buti wala si demonyita, magiging tahimik ang araw ko." Bulong niya sa sarili habang nililinis ang produkto at isinabay na rin niya ang pag iinventory dito. Wala pang masyadong customer ng mga oras sa iyon kasi maaga pa ng biglang narinig niya ang nakakairitang boses ni Miss Shana.



"Hoy! Lucia! hindi porke't day off ko ay hahayaan na kitang gawin ang gusto mo dito!" At nakapamewang pa talaga ito sa harap ni Lucia habang siya ay nagbibilang ng mga lipstick. Hindi niya ito pinansin sa halip ay tinalikuran at nagtungo sa ibang istante at pinagpatuloy ang ginagawa.



"Aba't ang bastos mo ahh! Wag mo akong talikuran baka nakakalimutan mong Superior mo ako!" At talagang diniin pa niya ang pagkakasabi ng salitang 'Superior'.




"Excuse me po, nakikita niyo naman siguro na may trabaho po ako at isa pa po day off niyo po ngayon so ibig sabihin hindi ko po kayo boss ngayon. Kung inaabala niyo po ako sa ginagawa ko at wala po kayong bibilhin mas mabuti na pong umalis nalang kayo kasi po nabwibwisit ang tindahan dahil sa bunganga niyo." Walang emosyong sabi niya at tuloy pa rin sa ginagawa.



"Bwisit ka!! Isusumbong kita sa may ari!!" At dinuduro duro pa niya talaga si Lucia bago umalis ng tindahan.




"Sige gawin mo lang at ng matiris kita ng buhay." At ngumiti ito na animo'y isang demonyo.




Author's Note:

❤Hello sa lahat! Grabe ngayon ko lang na realized na halos isang taon na pala hindi ako nakapag'update sa kwentong ito.. Sorry na po masyadong busy lang at hindi ko pa na review ulit ang story. Bigla ko lang naalala si Lucia nung nakaraang nagviral yung 'Lucia Joaquin' hahaha😂😂..Anyway, maraming salamat kasi kahit papaano kahit hindi siya na update ng halos isang taon ay may nagbabasa pa rin..Let's continue the bloody revenge of Lucia..

Godbless everyone..

---*Princess❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cashier (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon