-EUNICE'S POINT OF VIEW-
Ilang araw na din matapos mangyari yung scene na nadapa ako. Iyak nga ako ng iyak nung umuwi ako ng bahay e.
Hindi dahil sa sugat ko kundi dahil dun sa nalaman ko na pinagkamalan ni Ken na si Thalia ang naglalagay ng cupcakes sa locker niya.
Ilang araw na din ang dumadaan at ilang araw na din akong nasasaktan dahil sa nakikita kong magkasama sina Ken at Thalia.
Masakit.
Parang inaapakan lagi ang puso ko.
Parang pinipisa ang puso ko sa twing nakikita ko silang magkasama .
Mas masakit pa pala ito kesa sa tunay na nararamdaman ko.
Gaya nalang ngayon.
Kasalukuyan kaming kumakain ni Joanne dito sa Cafeteria. At kitang kita ko sa glass wall na papasok silang dalawa (Ken and Thalia) dito.
At ulit. Para nanaman akong tinutusok ng karayom. Dito. Sa puso ko.
"Okay lang yan best. Ilabas mo lang." narining kong sabi ni Joanne sa mahinang boses.
Mabuti nalang talaga at nandito si Joanne.
Siya nga pala . Sa dumaang mga araw ay tinigilan ko na din ang paglagay ng cupcakes sa locker ni Ken.
Ano pa bang saysay kong gagawin ko yun?
Huli naman na ang lahat e diba?
At saka........
Masakit na talaga.
Sobra.
"B-best cr muna ako."
Hindi ko na napigilan. Hindi ko na hinitay na sumagot ai Joanne. Narinig ko pa ang tawag niya saakin ngunit hindi na ako nagabalang tignan iyon.
Lakad takbo ang ginagawa ko papunta sa cr.
Tumutulo parin ang luha ko .
Napadaan ako sa direksyon nila Ken.
Sinulyapan ko sandali ang gawi nila Ken.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni Thalia na parang nang aasar.
Nakita ko din ang tingin saakin ni Ken na parang nag aalala.
Psh. Ano naman ang pinagaalala nya?
Ni hindi nga niya ako kilala e.
Ni hindi niya nga din malalaman na nag eexist ako kung hindi pa ako nadapa nun e.
Bago pa ako maglakad ay binigyan ko na muna siya ng isang ngiti.
Totoong ngiti. At hindi pilit.
Ngiting malungkot.
Timalikod na ako dahil talagang sunod sunod na ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.
Ang ngiting yun, na sa palagay ko ay.......huli na.
-Aaaw! Any reaction? Comment guys! Votes na rin!
-Nicole :)
BINABASA MO ANG
The Most Painful Part Of Love [COMPLETE]
Short StoryThe Story of KEN DYLAN WILLSON and EUNICE SALVADOR -THE MOST PAINFUL PART OF LOVE- ***** By: NicoleMacamWatty