-EUNICE'S POINT OF VIEW-
"Best, tahan na." pagpapatahan ni Joanne saakin.
Gabi na at umiiyak pa rin ako.
Nandito kami sa kwarto ko. At kasama ko si Joanne dahil dito daw siya matutulog.
Mamimiss ko talaga 'tong bestfriend kong 'to.
At saka gusto niya daw matulog dito dahil gusto na daw niyang sulitin ang mga oras na nandito pa ako.
"S-sorry besty kung hindi man lang kita natulungan." Joanne.
"Anu kaba . Okay lang. " sagot ko. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Ayokong makikitang umiiyak ang bestfriend ko. Kapatid na ang turing ko sakanya.
"Tahan na best! Ako lang dapat nag eemote ngayon e. Haha!" pinilit kong tumawa para hindi na siya lumungkot.
"Hmp. Baliw ka talaga!" joanne.
"I love you, besty. Mamimiss kita." pahabol niya.
" I love you din, best." ako at hindi ko na mapigilang umiyak.
Sana masabi ko din ang mga katagang 'i love you' kay Ken. Kahit isang beses man lang.
Ilang minuto ang nakalipas, at katahimikan lang ang naghahari dito sa kwarto ko.
Pareho na rin kaming nakahiga ni Joanne dito sa bed ko.
"Best. Gising kapa?" tanong niya.
"Hmmm.." tanging sagot ko. Mapapansin talaga ang panghihina ko nitong mga nakaraang araw.
"Bigayan mo ulit ng cupcakes si Ken bukas" wika ni besty.
Oo. Bibigyan ko siya. Dahil baka hindi ko na magawang gawin yun sa mga susunod na araw.
*Kinabukasan*
Maaga akong nagising para makapunta na ako sa school ng maaga.
TING!
Tunog ng bagong oven namin. Binili ni mama ito kahapon.
Ting: matagal tagal ko na ring hindi naririnig ang tunog na yan. Hindi na kase ako nag be-bake simula mangyari yun.
At ngayon naman ay gumagawa ulit ako. Baka huli na rin ito ng pag-bake ko.
"Haaaay" buntong hininga ko.
"Anak.." narinig kong tawag ni Mama kasama si Papa .
Makikita mo rin ang lungkot sa mga mata nila kahit nakangiti ang mga labi nila.
"Good morning Ma, Pa." masigla kong bati.
Nakita ko nanaman ang nag ulap-ulap na mga mata ni Mama.
"Pahingi...." pabiro ulit na sabi ni Mama .
"Opo Mama. May reserba ako para sa inyo. Bigyan niyo na din ni Besty paggising niya. Mauuna na kasi ako." bilin ko kay mama.
Kinuha ko na yung supot na naglalaman nung pulang kahon na may lamang cupcakes.
"Babye mama, papa." paalam ko.
Pago pa ako lumabas ay narinig ko ang hikbi ni mama.
"Tahan na, honey." narinig ko pang pagaalo ni papa.
Nang makalabas na ako ay hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko.
'I will miss you mama, papa'
BINABASA MO ANG
The Most Painful Part Of Love [COMPLETE]
Short StoryThe Story of KEN DYLAN WILLSON and EUNICE SALVADOR -THE MOST PAINFUL PART OF LOVE- ***** By: NicoleMacamWatty