Twelve- Everlasting love

1.5K 24 2
                                    

-KEN'S POINT OF VIEW-

Two years had passed...

Pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Sariwa parin sa utak ko ang mga nangyari.

Masakit.

Sobrang sakit.

Ngayon, hindi ko maitatanggi na nakulong parin ako sa nakaraan.

Hindi ko kayang kalimutan.

Yun ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko.

Akala ko yun na ang pinakamasaya. Pero hindi pala.

Paano nga ba ako makakalimut kong hindi ko parin siya matanggal sa puso ko?

Ayokong kalimutan siya.

Pakiramdam ko kapag unti-unti ko siyang kinakalimutan ay unti-unti ring namamatay ang puso ko.

Kapag inalis ko siya sa puso ko parang ang puso ko na rin mismo ang inalis ko .

*Flashbacks*

"I love you, Eunice. To infinity and beyond." yan ang mga katagang sinabi ko habang pinagmamasdan namin dalawa ang kalangitan.

Ang sarap sa pakiramdam sa twing kasama ko siya.

Sana ganito nalang palagi.

"Eunice.." tawag ko. Ngunit hindi parin siya nagsasalita.

Naramdaman ko ang likidong pumatak sa may balikat ko.

Umiiyak ba siya?

Hinawakan ko ang ulo niya at dahan-dahang iniharap saakin.

Nakaramdam ako ng kaba ng makitang nakapikit siya.

Nakatulog ba siya?

"Hey. Babe. Gising na. Di pa nga tapos ang date natin e." kalmado kong sabi habang mahina siyang iniyuyogyog sa balikat.

"Babe.. Inaantok kana? Gusto mo na bang matulog? Gising na . Hindi kita kayang buhatin. Haha." patuloy parin ako sa pangingising sa kanya at pilit na pinapagaan ang nararamdan ko.

Kinakabahan na ako ng hindi man lang siya gumalaw.

"Babe..." gising ko parin pero hindi parin siya gumagalaw.

Sa sobrang kaba ay agad ko siyang binuhat at bumama.

Pagkababa ko ay naabutan ko si ate Yonna sa may living room na nanunuod.

"Oh. Binata. Musta date? Nakatulog ata?" puna ni ate ng makita niya ako.

"A-ate si Eunice nahimatay!" hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Wait! Tara! Dali. Ako na ang magdra-drive. Kalma ka lang ha?" Ate.

"O-oo ate!" sagot ko.

Nandito kami sa tapat ng E.R. ni ate.

Tinawaga  ko na rin ang parents ni Eunice para pumunta dito.

Natatakot ako. Kinakabahan ako. Ano bang nangyayari? Pagtuloy lang ako sa pagiyak.

"A-ate. Kasalanan ko 'to e" parang batang sumbong ko kay ate.

"Sshh... Wala kang kasalanan, okay? Lakasan mo ang loob mo. Wag kang umiyak, baka sabihin ng parents ni Eunice na bakla ang boyfried niya. Sige ka." si ate habang hinihimas ang likuran ko.

Sa aktong yun kami naabutan ng parents ni Eunice.

"T-tita. Tito. S-sorry po. Kasalanan ko po ang lahat." pagsisisi ko sa sarili ko.

Agad na lumapit saakin si tita at niyakap ako ng mahigpit.

Bakit? Diba dapat sampalin nila ako o kaya naman magalit sila saakin dahil pinabayaan ko si Eunice?

"Sssshh.. Tahan na iho. Wala kang kasalanan." pagaalo saakin ni tita.

"P-pero tita. Pinabayaan ko siya. K-kung inuwi ko lang sana siya ng maaga edi s-sana hindi mangyayari ito. K-kun---"

" Wag mong sisihin ang sarili mo iho. At baka ito na nga yung nakatakdang araw niya." sabi ni Tita at tuluyan na ring napahagulgol ng iyak.

"A-anu pong ibig niyong sabihin? Alam niyo po na mangyayari ito?" nagtataka kong tanong. Bakit parang hindi man lang sila nagulat.

"Sorry iho, kung hindi namin sinabi sayo ang tungkol sa kalagayan niya. Ayaw niya kasing sabihin namin sayo e. But now, panahon na siguro para malaman mo ang totoo." tita.

Pagkatapos sabihin lahat ang tungkol sa kalagayan ni Eunice ay para ako pinasabugan ng bomba.

Bakit ngayon ko lang nalaman?

Bakit ngayon pa kung kailan wala na siya.

Oo wala na siya.

Kasasabi lang ng doctor kanina.

Sa una hindi ko pinaniwalaan ang sinabi ng doctor pero ngayon andito na ako sa loob para akong binuhusan ng malamig na tubig. Para akong naparilisado.

Wala akong maramdaman.

Namanhid lahat ng katawan ko.

Kitang kita ko ang katawan ng babaeng mahal ko .

Katawan niyang wala ng buhay.

Lumapit ako sa nakahigang katawan niya.

Ayokong manila na wala na siya.

Hindi ko kakayaning mawala siya.

Kahit pinipilit nilang wala akong kasalanan ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko.

Lalo na ng marinig ko ang sinabi ni Tita.

"Meron siyang sakit sa puso. Masyadong mahina ang tibok ng puso niya. Hindi iyon normal kaya lagi mabilis siyang mapagod..." nang marinig ko yun ay para akong sinasak sak sa puso ng paulit-ulit. Bakit hindi ko alam yun? Sana sinabi nya saakin.

Gusto kong isumbat yun pero hindi dapat.

" Simula ng maging kayo ay tinigilan niya ang paginom ng gamot niya..."

Sa pagjakataong iyon ay nagtaka ako.

"Ayaw na rin niyang pumunta sa doctor.."

"Pero, bakit po?" tanong ko.

"Ayaw niyang pumunta sa doktor dahil ayaw niyang malaman kong hanggang kelan nalang siya mabubuhay. Ayaw niya daw isipin sa bawat araw ang tungkol sa natitirang araw niya. Gusto niya raw na ikaw lang ang isipin niya...

Pero nong araw ng sembreak niyo ay sobra kaming nagulat ng sinabi niyang gusto niya daw pumunta sa doktor at gumaling, para sayo..

Pero ng pumunta kami duon ay napagalaman namin na sobrang lala na pala ng kalagayan niya...

Mahal na mahal ka niya iho. Dahil sayo kaya siya natutong ngumiti. Dahil din sayo kaya niya naramdaman ang normana pagtrato kahit parang reyna daw kong ituring siya. Salamat anak. Maraming salamat."

Niyakap ko ang bangkay ng babaeng pinakamamahal ko.

Umiiyak ako. Masakit e.

It feels like im dying..

"Eunice. Wake up baby. Nandito na ako."

"I'm giving you my everlasting love, Eunice Salvador"

*End of flashbacks*

-Drop your comments below!

Yun lang. Muah! :*

-Nicole:*

The Most Painful Part Of Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon