A Bitter & Sweet Story

610 51 163
                                    

"Pait ng nakaraan, Tamis ng kasalukyan"

(A Bitter & Sweet Story)

Written by MieckySarenas

MADALAS tayong magkamali sa mga desisyon natin. Sa una, akala natin tama at dapat nating gawin ang isang bagay na naiisip natin. Subalit ang hindi natin alam, na ang tama ay puwede palang maging mali. At ang mali ay puwedeng maging tama.

Habang ako ay nagbabantay ng aming tindahan, dumating ang isa sa mga kaibigan ko na bibihira ko na lamang makita.

"Hoy Che! Kumusta na?" Nakabungisngis na bati niya sa akin.

"Heto, buhay pa rin. Balita ko mayaman ka na?" Tugon ko sa kanya.

"Anong mayaman ka d'yan! Payaman pa lang, Gaga!" Sabay hampas sa balikat ko.

Nais ko siyang tanungin kung ano ang kanyang trabaho. Ngunit, sa postura niya ay parang may ideya na ako kung ano iyon.

"Oo nga pala, Che. Kaya ako naparito sa atin, dahil naghahanap ako ng babaeng puwede ko makasama sa trabaho. Nagsialisan na kasi iyong mga kasama ko at nagsibalikan na sa kanilang mga lungga." Mahabang wika niya sa akin. At mukhang nagkakamali ako sa aking hinala.

"Ssshh! Ang ingay mong bakla ka!" Napapalingon tuloy ako sa aming bahay at baka mamaya nagising sina Mama at Papa dahil sa lakas ng boses ng aking bisita.

Tuloy-tuloy at walang preno talaga magsalita itong si Diyosa. Mabuti na lang at walang gaanong tao ng mga hapon na iyon.

-*-*-*-

"Sigurado ka bang safe sa lugar na pinagtatrabahuhan mo?" hindi talaga mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Diyosa sa akin na maaari akong kumita ng libo-libo sa isang araw lamang.

Para akong tanga na nagsasalita mag-isa. Tulog na pala 'yong katabi ko.

Nakasakay na kami sa bus papuntang Pampanga. First time kong babiyahe papuntang probinsiya. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman. May saya, takot, pangamba at syempre ang lungkot. Hindi kasi ako nakapagpaalam sa aking mga magulang nang umalis ako. Sa medaling salita, naglayas ako.

"Ano gusto mo ba? Sagot!" Animo'y nananakot pa si Diyosa nang tanungin niya ako.

"Oo na! Sige na! Sasama na ako!" medyo napalakas pa ang boses ko dahil sa kasabikan. Pero ang totoo, natatakot ako sa kung ano ang mangyayari sa akin – kapag lumayas ako.

Bandang alas kuwarto ng hapon nang magising si Mama. Siya na ang nagbantay ng aming maliit na sari-sari store. Matagal ko siyang tinitigan, titig na makakatunaw na ng tao.

"Hoy Mae, kagigising ko lang ah! Para kang kakain ng tao ah." Natatawang wika ni Mama.

Umiling-iling ako at maluha-luha akong pumanik sa itaas ng aming bahay. Nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba ang paglalayas at pagsama kay Diyosa papunta sa Pampanga.

Alam ko naman sa sarili ko na kaya ko na mamuhay mag-isa sa edad na kinse. Pero iba pa rin iyong may kaagapay ka at handang magpayo sa iyo kung ikaw ay nagkamali.

Buo na ang aking pasya. Sasama na ako kay Diyosa. Para rin naman sa pamilya ko ang gagawin ko. Kaya kahit ano pa iyong trabaho na iniaalok sa akin ni Diyosa – wala na akong pakialam.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, Che." Gising na pala ang maganda kong kaibigan.

"Nasusukat ba ng braso mo ang lalim?" Pagbibiro ko sa kanya.

Tinuktukan niya ako sa ulo, "Masakit huh?!" maarte kong sabi.

Natawa ang bakla sa kaartihan ng pananalita ko. Ano magagawa ko? E, sadyang pa-tweetums ako magsalita.

NSC2015 - PrefinalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon