Bullet for my Valentine

269 25 5
                                    

Bullet for my Valentine

Alyza Camino (BiancaBarbara03)

Romance

Taguig

"Kiara! Kiara! Kiara! Lumabas ka dyan! Alam kong nagtatago ka lang! Maglaro tayo! Masaya 'to! Siguradong magugustuhan mo!" Anang isang boses habang naghahawi ng mga kurtina sa isang silid ng Ancestral House ng mga Rayos. Ang labinlimang taon naman na si Kiara ay nanginginig sa takot habang nakakubli sa ilalim ng kama na natatakpan ng makapal nitong bedsheet cover.

Maulan ang gabing iyon at dahil sa lakas ng buhos nito, malabong marinig ang mga litanya na iyon ng lalaki. Idagdag pa na malayo ang agwat ng mga silid sa naturang bahay. Mahinang nagdarasal ang dalaga na sana'y 'wag siyang makita nito at umalis na lang. Ngunit tila ata malakas ang lalaki sa nasa ibaba kung kaya't nahuli niya si Kiara.

"Bakit ka ba nagtatago, Kiara? Maglalaro lang naman tayo, eh." Anito habang hinahawi ang buhok ng dalaga. Panay naman sa pag-iyak si Kiara. Naisin man niyang saktan ang lalaki, hindi niya magawa sapagkat step dad niya ito. May respeto siya at pagmamahal rito kaya naman hindi niya maisip kung bakit ito gagawa ng kawalanghiyaan sa kanya.

"T-tito... Bakit mo ba 'to ginagawa?" Umiiyak niyang tanong. Ngumisi naman ang lalaki saka ito sumagot.

"Bakit? Natatakot ka ba, Kiara? 'Wag kang mag-alala, saglit lang 'to. Atsaka, hindi naman ito masakit. Sigurado akong magugustuhan mo ito."

Dahil sa sinabing iyon ng lalake, lalong natakot si Kiara kaya nagpumiglas ito sa pagkaka-kapit niya ngunit dahil mas malakas ang kanyang step father, hindi nagawa ni Kiara na makatakas pa. Umalingawngaw sa kabuuan ng Ancestral House ang palahaw ng dalaga at ang nagngangalit na tawa ng tila isang demonyo sa katauhan ng kanyang Tito Reynan.

"Kiara, 'wag na 'wag mong susubukang magsumbong sa mommy mo kung ayaw mo na pati siya ay patayin ko gaya ng ginawa ko sa daddy mo noon. Maliwanag?" Anito matapos na iraos ang sarili.

Sa sinabi niyang iyon, tila umakyat sa ulo ni Kiara ang galit kaya palihim siya na naghanap ng maaaring itarak rito. Krimen na kung krimen ang gagawin niya ngunit krimen bang matatawag ang pagpatay sa taong pumatay sa kanyang ama at sumira ng puri niya? Natigil ang mata niya sa isang screw driver na nasa ilalim ng bedside table niya. Hindi man niya alam kung bakit iyon napunta doon, tila swerte na niya ito kaya mabilis niya 'yong dinampot at itinago sa kanyang likuran.

"Nakikinig ka ba sakin, Kiara?! Tandaan mo ang bilin ko. Kayang-kaya kong pumatay. Tandaan mo yan." Dagdag pa niya at tumalikod na upang lumabas ng silid ngunit nakakailang hakbang pa lamang ito ay agad itong napadapa sa sahig habang si Kiara naman ay nanginginig na binitawan ang screwdriver na punung-puno ng dugo ng kanyang Step-father.

------------

HABOL-HININGA, butil-butil na pawis at nanginginig ang katawan.. Iyon ang naramdaman ko nang muli na naman akong dalawin ng masamang pangyayari maraming taon na ang nakalipas. Hanggang ngayon, galit at takot pa rin ang namamayani sa aking sistema. Ngunit sa kabila non, masasabi kong wala akong pinagsisihan. Sa ganoong paraan, nakuha ko na ang hustisya para samin ni Papa.

"Panaginip na naman." Ani ko sa sarili. Dahil doon, nagpasya akong magdasal.. gaya ng lagi kong ginagawa sa tuwing mapapanaginipan ko ang pangyayaring iyon. Sampung taon na rin mula nang naganap iyon ngunit, tila kahapon lang para sakin. Mahirap kalimutan ang mukha ni Tito Reynan lalo na ang detalye ng mga pangyayari noong Pebrero 25, 2005. Masyadong masalimuot. Masyadong masakit.

Muli na namang nangilid ang luha sa aking mata nang maalala ko ang sandaling nakikiusap ako para sa aking puri na basta na lang niyang kinuha.

"Kumalma ka, Kiara. Matagal nang natapos 'yon. Wala na siya. Ligtas ka na." Ani ko habang marahang hinihimas ang aking dibdib. Nagpasya na akong tumayo dahil alas-singko na 'yon ng hapon at muli ko na namang nakatulugan ang painting na ilang linggo ko na ring ipinipinta.

NSC2015 - PrefinalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon