THERE IS NO GOODBYE
Written by: Rayla S. Dela pena
"Hoy!, Gel, bilisan mo na diyan at male-late kana sa exam mo." Sigaw ng kanyang bestfriend sabay kalampag ng pinto sa banyo. Nakalimutan niyang exam pala niya ngayong araw. Umaga na siyang nakauwi galing sa disco kasama ang kaniyang mga kaklase. Last year na niya sa kolehiyo at magiging ganap na siyang Engineer. Matutupad na ang pangarap nang daddy nya na magiging sikat na Engineer, at ito ang ayaw na ayaw niya.
"Ang tagal mo!" sigaw uli nito.
"Tapos na! Lalabas na po ako, haist!" maktol niya.
"Hihintayin na kita sa baba, ha? Ang damit mo nasa ibabaw na ng kama. Bilisan mo na diyan at mag-aalmusal ka pa."
Hindi siya umimik, hanggang naulingan niyang lumabas na ito.
Kahit sino maiinggit sa kanyang katayuan sa buhay. Mayaman, maganda at may gwapong bestfriend. Ngunit, nagrerebelde siya, at ipagsigawan na ayaw niyang maging Engineer at gusto niyang maging Journalist. Ngunit bingi ang kaniyang ama.
"Ipinagtimpla na kita ng gatas. Inumin mo na ito. Sa kotse mo na kainin ang sandwich na ginawa ko para sa'yo at male-late ka na!" Anito ng makababa siya sabay abot ang isang basong gatas.
"Hay naku, hijo, ewan ko diyan kay Angel, walang alam sa buhay. Parati nalang sakit sa ulo! Hanggang kailan ka magtitiis sa batang 'yan?" salubong ng kaniyang amang si Don Arman. "Sayang lang ang Anghel na pangalan sa kasamaan ng pag-uugali!" patuloy ng ama.
Inirapan lang ito ng dalaga, sabay labas sa kanilang bahay.
"Hayaan ninyo po tito at magbabago din po iyan," nakangiting saad ng binata. "Aalis na po kami at male-late na 'yon," anito at sinundan ang dalaga sa sasakyan.
Naabutan ito ng binata na nakahimlay sa loob ng sasakyan. Naiiling siyang pinagmasdan ito.
"Tinakasan mo na naman sila kagabi, kaya ayan ang aga ka nilang sinabon. Hindi mo manlang inisip na exam mo ngayon!" ani ng binata dito at binuhay ang makina ng sasakyan.
"Wala kayong pinagkaiba ni Daddy, magsama kaya kayo?" pabarang sagot ng dalaga at naglagay ng headset.
Ipinarada ng binata ang sasakyan sa parking lot sa UP Diliman at hinarap ito. Tinaggal ang headset sa kaniyang taynga. "Hindi ka ba napapagod sa mga pinaggagawa mo? Sa kakasuway mo sa mga magulang mo?" tanong nito habang hawak ang magkabilang pisngi niya.
"Pagsuway ba ang tawag dito?" Galit niyang turan at itinaas ang librong dala-dala. "Dito nagsimula ang lintik na buhay ko!" Sigaw niya at padabog na lumabas sa sasakyan ng kaibigan.
Malungkot na nakatingin ang binata sa papalayong dalaga.
Mahal na mahal niya ang dalaga, kaya ginagawa niya ang lahat upang magbago ito.
Nang nasigurong nakapasok na ito sa loob, dali-dali siyang umalis upang makabalik bago matapos ang exam nito.
"Dok, wala na ba talagang lunas ang sakit ko?" malungkot niyang tanong sa doctor na sumusuri sa kaniya.
Iniwan niya muna saglit ang dalaga para makipagkita sa kanyang doctor. He has a brain tumor at stage 4 na! Ibig sabihin maghihintay nalang siya ng kamatayan niya.
"Rick, sinabi ko na sayo dati pa na pumunta ka sa America, pero ano ang ginawa mo? Hindi mo sinunod ang mga payo ko hanggang lumala na ang sakit mo," malungkot na sabi ng kaibigang doctor. "Ikinalulungkot ko Rick, pero maswerte na lang kung aabutin kapa ng bagong taon. Magdasal nalang tayo," naluluhang saad ni Doctor Reyes.
Gusto niyang umiyak pero may magagawa pa ba ang iyak niya? Hindi siya natatakot para sa sarili niya, kundi natatakot siya para kay Angel na maiwang mag-isa. Paano na ito kapag nawala siya? Pero lahat nga talaga siguro may katapusan, dapat hanggang maaga pa lang ay turuan na niya itong mamuhay na wala siya sa tabi nito.
BINABASA MO ANG
NSC2015 - Prefinals
Ficción GeneralA collection of the Novellavision Story Contest entries for the Prefinals Stage.