TITLE: "MIRACLE"
REAL NAME: REYLIN CERVANTES ATIBO/DADA OR RHEA
GENRE: CRIME/DRAMA
LOCATION: #25 ROSAS ST. TAWI-TAWI BARANGAY PORO PHILEX CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION
Alam kong mali ang trabahong namana ko mula pa sa mga ninuno ng aking mga magulang pero eto lamang ang alam kong paraan para mapaghigantihan ko sila sa kahayupang ginawa nila sa pamilya ko.
"Salamat ho ah Aling Mira." Sambit ng binatilyong si Tomas tsaka inabot sa akin ang dalawang libo na kabayaran sa pagkitil ko ng buhay ng kawawa kanilang anak na bunga ng kanilang kapusukan, nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi ang perang galing sa kasalanan, pero sa huli ay namayani pa rin ang pangangailangan ko sa pera kaya tinanggap ko rin ito kahit na puro dugo pa ang mga kamay ko.
"Sa susunod ay mag-ingat na kayo, mabuti na lang at dugo pa lamang yan, inumin mo ang mga gamot na sinabi ko saiyo para bumuti ang pakiramdam ng kasintahan mo huh?"
"Oho sige ho Aling Mira alis na kami." Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay inakay na niya ang kasintahan niyang hinang-hina at umiiyak pa rin dahil sa ayaw naman talaga nitong ipatanggal ang magiging anak niya pero kailangan dahil nag-aaral palang sila ng sekondarya.
Habang inaayos ko ang mga kagamitan ko sa pagpapalaglag ay naalala ko na naman ang anak ko. Ang anak kong pinalaglag rin ni Mama ng malaman niyang nagdadalantao ako noon sa nobyo kong isang hardinero at pamilyadong lalaki sa aming lugar, ayokong gawin yun dahil mahal ko ang magiging anak namin pero tinakot nila akong ipapapatay nila si Nicolas kapag di ko pinalaglag ang anak ko kaya kahit na labag sa kalooban ko ay pumayag na rin ako para hindi nila patayin si Nicolas ngunit matapos ang ginawa nilang pagpapalaglag sa anak ko ay nalaman kong pinapatay pa rin nila si Nicolas para wala na akong balikan pang nobyo kaya nangako ako sa sarili kong gaganti ako sa pamilya ko sa kahayupang ginawa nila sa akin ano man ang mangyari. Nagpaturo ako sa kanila kung paano ang proseso ng paglalaglag madali ko naman 'yong natutunan kaya sa tuwing may mga kamag-anak kaming gustong magpalaglag ay ako ang gumagawa para maramdaman nila ang sakit at hirap na ginawa nila sa akin may pagkakataon pa ngang napatay ko pati na rin ang Ina kaya pinalayas nila ako sa mansyon pero ayos lamang sa akin 'yon dahil sa wakas ay makakalaya na ako sa impyernong mansyon ng mga demonyong apmila ko. Nang makaluwas ako ng Maynila ay tinigil ko ang maling gawaing 'yon pero para naman itong tukso na kusang lumalapit sa akin dahil mahirap ang buhay sa Maynila kaya kinailangan kong ibenta ang kaluluwa at puri ko sa mga banyagang kalalakihan na uhaw sa mga babae.
Kung galing ako sa impyerno noon pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa pinanggalingan ko. May pagkakataong nilapitan ako ng isa kong katrabaho dahil alam niyang buntis siya at hindi iyon pwede sa trabaho namin kaya pinakiusapan niya akong ipalaglag ang anak niya, ayoko no'ng una dahil pinangako ko sa sarili kong hindi ko na ulit iyon gagawin dahil tapos na ang paghihiganti ko para sa mag-ama ko pero tao lang ako at kailangan ko ring mabuhay kaya naman pinagpatuloy kong muli ito hanggang sa dumami na ng dumami ang nagpapalaglag sa akin na mga babaeng bayarin na tulad ko rin. Ang maling trabahong ito ay parang unti-unting naging tama para sa akin, kumikitil ako ng buhay para ako naman ang mabuhay, tsaka hindi ko naman kasalanan kung may mga magulang na gustong ipalaglag ang kanilang mga anak, binabayaran lang nila akong gawin 'yon pero sila naman talaga ang may desisyong patayin nila ang anak nila at hindi ako yan ang naging katwiran ko na rin.
May mga gabing hindi ako nakakatulog dahil sa konsensya ko, may mga pagkakataong nagpaparamdam sa akin ang mga sanggol na tinanggalan ko ng karapatang mabuhay sa mundong ito ngunit sinasabi ko nalang sa sarili kong mabuti na rin iyon kaysa sa nabuhay nga sila pero minamaltrato lang naman sila ng mga magulang nila o kaya ay pinapaampon, binebenta, pinagtatrabaho sa kalye, sinasaktan at ginugutom. Parang tinulungan ko lang naman silang wag nang maranasan pa ang pait at hirap dito sa daigdig.
BINABASA MO ANG
NSC2015 - Prefinals
General FictionA collection of the Novellavision Story Contest entries for the Prefinals Stage.