Ang Angkla Ng Aking Buhay
Ni Rafael Robiso
ISANGengkuwentro na naman ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Ingay ng mga nilalang na labis na nagpapakalulong sa masamang elementong panlupa. Mga dugong tanda ng kasawian at mga halakhak na tanda ng tagumpay.
Iyan ang magulong mundo ni Empress Granth, isang eba na hindi pangkaraniwan sa paningin ng iba. Kung si Maria Clara ay mayuming kumilos, ang babaeng ito ay animo isang lalaki kung umasta at magpakawala ng suntok sa oras ng rambulan.
"Suko na ako, Em." nanghihinang wika ngbabaeng nakasalampak angkatawan sa kalsada. Punona ito sa dugong nanggagaling sa mganatamong sugat.
"Sa susunod, huwag kang maghahamon kung hindi mo naman pala kaya. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo dito!" bulyawni Empress bago alisin ang kamay sa pagkakasabunot sa buhok ng kaniyang kalaban.
"Em! Parating na ang mga pulis!" sigaw ng isa niyang kasamahan. Dali-daling tumakbo si Empress sa sariling sasakyan. Ngunit napagtanto ng dalaga na naiwan niya ang susi sa loob ng kaniyang kotse. Napamura siya. Nagpulasan na rin ang mga kagrupo niya nang makatunog sa pagdating ng mga patrol cars. Papatakas na si Empress nang biglang nagpaputok ang pulis na nasa likuran niya. Napahinto siya.
"Itaas mo angdalawang kamay kundi ay babarilin kita!" utos ng isang pulis na nakatutok ang baril kay Empress.
Napasunod ang dalaga at itinaas ang dalawang kamay. Napapalibutan na siya ng maraming pulis kaya wala ng pag-asa pa na makatakas.
Dinala siya ng mga pulis sa presinto at ipinasok sa loob ng selda. Alam niyang makakalabas siya. Hindi hahayaan ng mga magulang niya na mabulok sa bilangguan ang nag-iisa na lang na anak.
Natigilan si Empressnang may magsalita sa pinasukan niyang selda.
"Mukhang mayaman ka." Nilingon ni Empress ang nagsalita. Sa ibaba ng higaang double deck ay bumangon ang isang babae.
Napaismid si Empress. "May kasama pala ako rito at isang matanda pa."
"Hindi ka marunong gumalang sa matatanda nang gaya ko. Anak, wag mong pairalin ang ganiyang pag-uugali. Hindi magandang tinggan sa isang babaeng tulad mo." mahinahong sita ng matandana mahihinuhang nasa singkuwentaanyosbase sa pisikal na kaanyuan nito.
"Kung ang mga magulang ko nga ay hindi ako pinagsasabihan ng ganiyan, ikaw pa kayang isang huklubansa paningin ko?" naiinisna litanya ng dalaga.
Napailing ang matanda sa inasal niya."Ano ang kaso mo? Hindi ka naman masasabing kriminal. Sa mga suot mo pa lamang ay masasabi kong mayaman ka."
"Mind your own business, oldie." babala niya. Pero napaisip siya. "O, sige. Sasagutin ko ang tanong mo.Nandito ako sa mabahong lugar na ito dahil nakipagbugbugan ako."
"Mababa lang ang kaso mo. Makakalabas ka rin agad." paniniguro ng matanda.
"Dapat lang dahil kahit kailan ay hindi ako mabubulok dito na kasama ka. Kahit makapatay pa ako ng tao ay madadaan iyon ng suhol sa mga pulis o ng ibang opisyal ng gobyerno. Maraming pera ang pamilya ko."nagmamalaking saad ng dalaga.
"Ang lakas ng kompiyansiya mo sa sarili. Nasaan ang mga magulang mo? Alam ba nilang nandito ka?"
Tumawa ng mapakla ang dalaga."Ang mga magulang ko? Sa pagkakaalam ko ay matagal na silang patay sa paningin ko." walang emosyong wika ni Empress.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Puwede bang huwag kang makialam sa buhay ko?" Nilibot niya ng tingin ang paligid."Bakit ang dilim-dilim dito? Wala man lang bang aircon? O maski electric fan?"

BINABASA MO ANG
NSC2015 - Prefinals
General FictionA collection of the Novellavision Story Contest entries for the Prefinals Stage.