Una

151 8 0
                                    

"Ano ka ba teh? Di tayo talo!" Sabi ko kay K na kinukulit ako maging partner nya sa birthday ni Yael ang Ex nya.

Bakit ba naman kasi pumayag ang gaga na pumunta doon samantalang noong nakaraan ay umiiyak pa sya sa condo ko. Naubos ang tissue ko na ini-stock ko para pag wala na akong maibigay sa mga boys ko may pamunas ako ng luha pag iniwan nila ako. Nasasaktan din naman ako kada boys na iniiwan ako. Hello? Pinag-hirapan ko ung pera na binibili ko sa mga sapatos nila noh.

Matagal na kami magkakilala ni K, almost 4 years. Best friend? Oo bestfriend ko si K. Minsan may mga times na ang weird ng babae na yan. Ginagawa nya akong lalaki .. Ew noh. Kadiri alam nyo yon?

Gaya nito.

"Vice, wag mo na nga ikabit yang red hair mo. Mas gwapo ka kung wala yan"

"Vice ipamigay mo na yang sandals mo"

"Vice!! Wag mo nga ilagay dyan sa cabinet mo yang mga animal design shoes mo."

"Vice! Wag ka na mag make-up please?"

Natutuwa naman ako pag itini-treat nya akong lalaki. Parang mas lalaki pa sya sa mga naging boyfriend ko.

Wala akong boyfriend ngayon. Binreak ko. Diba mga teh? Ako na nakipag break. Boring kasi nya.

Si K naman nahuli si Yael na may kasamang iba. Ngayon etong gaga na to pumayag pumunta sa birthday ni Yael. Bakit? Kasi yung parents ni Yael di pa tanggap na break na sila K at ang anak nila na si Yael. Kung pwede nga lang binugbog ko na si Yael eh. Maganda si K, mabait at malambing. Paano nagawa ni Yael yun?

Ano ba tong naiisip ko? Magpapakalalaki na ba ako? EW KADIRI SHET.

"Vice naman! Ngayon lang! Gaganti ako Vice. Please. Atleast, this time."

Wala akong nagawa kundi um-oo first time ko nakilala si K party animal sya. Nasa Bar palagi. At that time broken hearted ako. To hide my identity nag disguise ako. Ung buhok ko na natural lang ang gamit ko, naka one side and cap. naka maong pants ako at black shirt .. Wala din akong make up. To make it short nagpakalalaki ang ayos ko.

Nasa tabi ako ng counter sa bar at nakita ko sya na naglalakad palapit sa akin. Lasing na ako nun, I know. Umiiyak.

Tumabi sya sa akin, "are you okay?" She said. At first nagandahan ako sa kanya. Naisip ko na kung lalaki ako sya ang magugustuhan ko. Tinawag ko sya sa isip ko na 'binibining kurba' .. Naka violet fitted dress sya above the knee. Mas maikli pa. At pa-tube ito. Naka kulot ang buhok at naka make up.

Di ako sumagot, bakit pa? Kakilala ko ba sya? Pero naisip ko gagaan ang loob ko kung maglalabas ako ng sama ng loob sa knya. I took the advantages, di ko sya kilala and kahit anong sabihin ko di nya maiintindihan.

"No I'm not okay." Itinaas ko ng kaunti ang cap na suot ko at tumingin deretso sa mata nya. Umiiyak ako, at nakita ko sa mga mata nya ang pag dadalamhati sa akin. Dinadamayan nya ako?

Hinarap nya ang sarili nya sa akin at tumingin sa mukha ko.

"Whoever that girl is, she'll regret what she did." Sabi nya. Natawa ang kalooban ko sa narinig ko.

"I need to go." Sabi ko. Medyo gumegewang ang paningin ko. Lasing na lasing na ako.

"I'm coming with you" sabi ni Binibining Kurba. Seryoso ba ang lukaret na ito?

Sumunod sya sa akin.. Lumakad ako sa parking lot.

Binunot ko ang susi ko at sinubukan buksan ang pinto.

"Damn!" Napasigaw ako.

"I'll drive for you" sabi nya.

Ibinigay ko na din ang susi ko sa kanya. Wala akong nagawa hindi ko dn kaya, kung my gagawin man syang masama sa akin okay lang sobrang lubog na ako sa kalungkutan..

You Changed Me. (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon