CHAPTER 31

16 0 0
                                        

Isang linggo akong namalagi sa mansyon at sa isang linggong iyon ay wala akong ginawa kundi pakiramdaman si Corine. She rarely goes out simula noong nandito ako. I don't know if she's just scared that I might know her plans or she's plotting something again.

"Hayyyst this house seems suffocating when you came back. I wonder what happened at work at hindi ka na nagtatrabaho." Pang-iinis niya naman.

She never got the chance to do this with me kasi palaging nariyan si Dad. Now that Dad went out, she took the chance to mess with me.

I smiled and leaned on the counter table. Umiinom kasi ako ng tubig nang sumulpot siya sa kusina.

"I took a rest from work so I can spend time with Dad and Khael. Bawal ba?"

Naiinis niya akong tiningnan. But she kept it cool. Am I getting in the way Corine?

She scoffed. "It's a miracle you wanted to spend time with my boys. Or perhaps you created chaos kaya ngayon nandito ka sa puder ng ama mo para magpaawa at humingi ng tulong, right?"

Nag-init ang ulo ko sa unang sinabi niya. Kapal nga naman ng mukha.

She looked at me with so much hatred. She looks even more pissed when she saw me smirked at her.

"Ako ba ang tinutukoy mo? O baka naman gawain mo ang magpaawa kay Dad kaya nasasabi mo yan ngayon?"

Nanggagalaiti niya akong tiningnan. I bet she wanted to slap me right now, pero hindi niya magawa. Dapat lang na alam niya kung saan siya lulugar. Dahil sa oras na may gawin siyang ikapapahamak nina Dad at Khael, ako mismo ang maghahatid sa kaniya sa kung saan siya nararapat.

Tiningnan niya ako ng masama at tumalikod. I sip on my water as I watch her walk away from me.

In fact, pwede ko siyang tapusin ngayon pero ayaw kong dumihan ang kamay ko para lang sa isang taong kagaya niya. I don't want to end up the same way as my father. And I'm sure he won't be happy if I ever do such thing. Hindi ako kagaya ni Corine. Hindi ko gagawing kriminal ang sarili ko para lang sa isang walang kwentang tulad niya.

I want to end this the right way possible. Oo galit ako sa kaniya pero hindi yun tamang rason para patayin ko siya ngayon. Her game hasn't started yet or maybe it already did, but I haven't been part of her game. I'll wait till she does her first move. That's when I'll make my move as well. Cause I always play fair.

What I need to do now is to make sure my brother and father are safe. Hindi  ko na hihintayin pang may masaktan sa kanila bago ako kikilos.

"Ate, kuya Atticus is here na!"

Tumikhim ako at dumiretso sa sala. Napamaang ako nang makita ang kapatid ko. Naka t-shirt na iron man at naka maong shorts. He is wearing Jordan shoes.

Ang ikinatigil ko ay ang bitbit niyang packbag na mukhang mas malaki pa sa kaniya. Magha-hiking ba to?

"What's with the big bag?" Hindi ko na naiwasang itanong.

"It's my clothes and some books and stuffed toys."

Napahinga ako ng malalim. Ba't pa ba ako magtataka? Today is the day he will stay with Atticus. Ang paalam niya sa nanay niya ay sleepover sa classmate niya, but the truth is, Atticus will take care of him while Dad will start his plan. He doesn't want me involved. I insisted I will help, but he told me to just stand by in case he needs help.

I gave Atticus a meaningful look. He nodded and smiled.

"Don't worry, ako na ang bahala." He gave me a salute.

"Tss. Siguraduhin mo. Dahil kung may mangyaring masama sa kapatid ko, alam mo kung anong mangyayari sa'yo."

I looked at him seriously. Mukhang hindi niya naman ako bibiguin. He's my cousin. He won't betray us, right?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon