Hindi ako mapakali sa klase ni Professor Montano kanina. Nagbago kasi ng pwesto ng upuan. Naging alphabetical. Tapos nagulat ako dahil katabi kita. Rivamonte kasi apelyido mo eh ang layo naman ng D sa R.
Balita ko may crush ka kay Yna. Kaya siguro dun ka umupo sa tabi ko dahil malapit ka sa kanya. Kahit ano naman kasing gustuhin mo nasusunod.
Nininerbyos ako kanina pag nagkakadikit yung mga balat natin. Ewan, unang tapak ko pa lang sa eskwelahang ito ikaw na agad yung napansin ko. Tatlong taon na kitang pinapantasya.
Tatlong taon na rin akong parang hangin lang sayo. Iniisip ko nga kung alam mo ang pangalan ko. Ni minsan kasi, di mo ko kinausap o pinansin man lang.
Gaya ka rin ng karamihan. Ilag sa mga taong tulad kong wala namang kaya sa buhay at sa scholarship lang umaasa.