Dear You - Entry 13

99 6 0
                                    

Thank you guys for putting this at rank #105 in Short Story category. It means a lot :)

____________

Sobrang saya ng araw ko ngayon. Tama ang desisyon kong lumipat ng section. Dahil naranasan kong pakitunguhan ng maayos, ng patas at walang anumang panghuhusga. Hindi nila pinaramdam sakin ang estado ko sa buhay.

"Bye, Wendy." Paalam nila sakin nang dumating na ang kanilang sundo.

Sa parking lot ng eskwelahan ko naisipang dumaan dahil payapa ang maglakad dito.

Nakita ko ang grupo nila Yna. Nagkakatuwaan ang mga ito sa paglalaro ng baseball. Hiniling ko na lang na sana ay hindi ako mapansin ng mga ito.

Habang papadaan ako ay may narinig akong nabasag.

"Lagot tayo." Bulong ng grupo nila Yna.

Basag ang side mirror at may gasgas ang isang kulay itim na mamahaling sasakyan. Kilala ko ang may-ari nun.

"Girls, lagot tayo. I know him. He's turning into a beast pagdating sa mga sasakyan niya." Sabi ni Sasha.

"Yeah. Touch his car and your dead." Dugtong pa ni Nikki.

"What we gonna do? Chloe naman kasi! Hindi nag-iingat!" Sisi ni Jasmine kay Chloe.

"Why me?!" Protesta naman ni Chloe.

"Eh ikaw kaya ang nakahampas dun sa kotse. Ang lakas pa mandin ng hampas mo!" Ganting sabi naman ni Jasmine.

"Hindi ko naman sinasadya. I'm just swaying the bat and then.." Naluluhang pahayag ni Chloe.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad. Napahinto ako at napatingin sila sakin ng bahagya kong masipa ang baseball bat na nasa sahig. Napatingin naman sila.

"Holy shit!"

Dadamputin ko na sana ang baseball bat ng mapalingon kaming lahat sayo. Nakatingin ka sa kotse mo at bakas ang galit sa iyong mukha.

"Who the hell did this?!" Malakas mong sigaw na kahit ako ay biglang natakot.

Nagkatinginan sila Yna tapos ay tumingin sakin.

"Wendy did." Sabi ni Yna.

Magpoprotesta na sana ako ng dugsungan ni Nikki ang sinabi nito.

"Galit na galit siya sayo kaya yung kotse mo ang pinagbuntunan." Sabi ni Nikki sayo. "Look, ayan yung baseball bat na ebedensya oh!"

Tumingin ka sa baseball bat na nasa paanan ko.. Tapos ay tiningnan mo rin ako. Halos mapaurong ako dahil sa nag-aalab na galit sayong mata.

Umiling ako. "H-hindi. H-indi ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon