Nakasalubong kita sa hallway kanina. Kasama mo ang barkada. Napatingin ka sakin kaya napayuko ako. Kinakabahan kasi ako pag nagtatama yung mga mata natin.
Gumilid ako para bigyan kayo ng malawak na espasyo ng mga barkada mo. Halos ipagsiksik ko na ang sarili ko sa pader.
Habang papalapit kayo ay naaamoy ko na ang pamilyar mong pabango.
Hindi ko inaasahan nang bigla mo kong banggain. Napaurong ako at medyo nasaktan ng tumama sa payatot kong katawan ang matitigas mong braso na alaga sa gym.
Hindi ka man lang nagsorry. Nilagpasan mo lang ako gaya ng parating ginagawa mo.