Dear You - Entry 6

142 6 0
                                    

Nang bumalik ako sa room ay wala na kayo ng mga barkada mo. Wala na rin ang mga kaklase natin ganun din ang ating guro. Wala na rin yung cartolina na kinakopyahan natin. Hindi ko tuloy alam kung kanino ako manghihiram ng notebook.

Tapos bigla kong naalala na sayo pala yung notebook ko. Hindi ko alam kung saan mo yun iniwan.. O kaya ay itinapon.

Hinanap ko sa buong silid yung notebook ko. Pati sa basurahan ay hinanap ko rin iyon. Pero hindi ko talaga makita.

Hindi ko tuloy alam kung paano ako magrereview. Midterm pa naman sa isang araw.

Hay! Bahala na.

Dear You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon