Thank you guys for putting this at rank #186 in Short Story category. It means a lot :)
______________
Dahil wala naman akong klase pag sabado ay ang paglalako ng gulay ang inatupag ko. Gusto mang kumuha ng pwesto sa palengke ay hindi ko naman kakayanin. Sa konti tubo ko sa tinitinda kong gulay ay kulang pa iyon pang-upa.
May tulak-tulak akong kariton na naglalaman ng iba't-ibang uri ng gulay. Meron din akong timbangan. Bukod sa gulay ay naglalako rin ako ng prutas.
Pumasok ako sa isang subdivision kung saan ay matagal na kong naglalako. Kilala naman na ako ng mga guard pati na rin ng mga homeowners kaya pinapayagan na nila akong maglabas-masok dito. Sa ganitong eksklusibong subdivision ay hindi kaagad pinapayagan ang mga outsider. Kaylangan muna nilang dumaan sa matinding inspeksyon.
"Wendy isang kilo ngang kamatis." Lumapit sakin ang isa sa mga suki ko. Pagkaabot ko dito ay nag-abot din ito ng bayad. "Nasaan si Justin?" Tanong ni ate Marie sa nakababata kong kapatid. Si ate Marie ay naninilbihan sa isa sa homeowners dito.
"Nasa bahay po. Hindi ko na po sinama dahil baka mapagod."
"Ah. Sige Wendy. Magluluto pa ko. May darating na bisita ang amo ko."
"Sige po." Nakangiti kong tugon.
Pagpasok nito sa mala palasyong bahay ay nagpatuloy na ko sa paglalako. Bawat bahay na madaanan ko ay sumisigaw ako ng gulay.
Pagsapit ng alas-dose ay tapos ko na ring libutin ang subdivision. Nagpahinga muna ako sa playground sa kabilang kanto na kattapat ng bahay na pinagsisilbihan ni ate Marie. Naupo ako sa swing at idinuyan ang sarili.
Magpapahinga lang ako ng 15 minutes ay uuwi na rin ako. Siguradong hinihintay na ko ni Justin.
Biglang bumukas ang gate ng bahay na nasa tapat ko. Lumabas doon si ate Marie na may dalang tupperware. Lumapit ito sa akin.
"Inaabangan talaga kita, Wendy." Inabot nito sakin ang tupperware na naglalaman ng pagkaing hindi ko mapangalanan. "Pinabibigay yan ng amo ko."
Nasanay na ang amo ni ate Marie na bigyan ako ng pagkain tuwing napapadpad ako dito. "Ate Marie, pasabi po maraming salamat ulit."
"Ate Marie, tawag ka ni Auntie."
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Nakapamulsa ito habang ang mga mata ay nakatutok sa akin. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Ngayon ko lang nalaman na kamag-anak niya pala ang nagmamay-ari ng malapalasyong bahay na parati kong tinitingala.
"Una na ko Wendy ha." Paalam ni ate Marie at tumalikod na ito.
Buong akala ko ay aalis ka na rin. Ngunit lumapit ka at naupo sa katabi kong swing.
"That's called River Prawn Americaine.." Tukoy mo siguro sa pagkaing kanina ko pa tinititigan na nasa loob ng tupperware. Pinagtatawanan mo siguro ako ng palihim dahil mukha akong ignorante.
Nararamdaman ko ang paninitig mo sakin.. Mula ulo hanggang paa.
"Nagtataka ako sayo.." Nilingon kita habang nakakunot ang aking noo. "Why you chose to study in that school? Alam mo naman na mayayaman ang mga nag-aaral doon, why there? If it's because of your scholarship, pwede ka namang mag-apply nun sa ibang school diba? Doon sa kung saan ka nababagay? Bakit kailangan mo pang ipagsiksikan ang sarili mo.."
Hindi na kita pinatapos magsalita. Mabilis akong tumayo at sinimulang itulak ang kariton.
Sa paglalakd ko ay doon ko lang napansin ang mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata.
Sa sununod, hindi na kita bibigyan ng pagkakataong muling makausap ako.
Nasasaktan mo lamang ako..