Simula ng sinabi mo yun, sinimulan ko na rin ang paglimot ng nararamdaman ko para sayo.
Mahirap. Aaminin ko. Lalo na at ang lakas ng presensya mo.
Katabi na naman kita sa isang subject. Habang nagsusulat ako ng nakayuko ay nasagi ako ng kanang braso mo. Left handed kasi ako.
Nagkaroon ng mahabang sulat na linya ang notebook ko. Dahil dun pumangit tuloy yung sulat ko. Hindi ko na hinintay na magsorry ka. Alam ko namang hindi mo yun gagawin.
Pero lagi mo na lang akong binibigla sa mga inaakto mo. Kinuha mo ang notebook sa ibabaw ng desk ko. Halos maiyak ako sa sunod mong ginawa. Pinunit mo ang isang pahina ng notebook ko.
Ang haba-haba na ng sinulat ko at back-to-back pa iyon. Naiiyak na ko. Pero ayoko namang gawin yun sa harap mo. Kaya nagpaalam ako sa Professor natin na gusto kong mag-cr.
Sa pangalawang pagkakataon. Pinaiyak mo ulit ako.