Dear You - Entry 7

143 6 0
                                    

Nagulat ako nang makita ko ang aking notebook na nakapatong sa desk ko pagpasok ko. Napatingin ako sayo na abalang nakikipag kwentuhan sa mga kaklase natin. Alam ko namang ikaw ang naglagay nun dito.

Nang maupo ako ay binuklat ko iyon. Hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Isang mahabang sulat-kamay mo.

Pinagsulat mo ko kahapon.

Bakit? Naawa ka siguro. Ni minsan kasi ay hindi pa kita nakitang magsulat ng notes. Nagsusulat ka lang pag may quiz at exam.

Naguguluhan tuloy ako sa ugali mo. Naguguluhan din ako sa nararamdaman ko. Ginugusto na naman kita. Mabait ka naman talagang siguro. Wag ka lang sigurong magsasalita.

Ganun pa man, maraming salamat. Hindi ko inaasahan na gagawin mo to.

Dear You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon