Thank you guys for putting this at rank #483 in Short Story category. It means a lot :)
_______
Nasa labas ako ng office ng Dean at naghihintay na matawag ang pangalan ko. Gaya nga ng sabi ko ay magpapalipat ako ng section. Lalo na pag naaalala ko ang nangyari kahapon. Lalo lamang akong naging mas desidido na ituloy ang paglipat.
Napalingon ako sa tumabi sakin. Si Dave. Isa rin siya sa mga barkada mo at kaklase natin.
"Wendy, anong kaylangan mo kay Dean?" Tanong nito sakin.
Katunayan ay sa 45 na bilang sa section natin ay lima lamang ang taong maayos ang pakikitungo sakin. At isa na dun si Dave.
"Magpapalipat ako ng section." Diretsang sagot ko dito.
Mukhang nagulat ito sa aking sagot. "Ayaw mo na talaga samin ah." Nagbibiro niyang sabi. "Hindi naman kita masisisi kung gusto mong gawin yan. Pero alam mo, mamimiss--"
"Wendy Dela Peña?" Hindi na natuloy ni Dave ang kanyang sinasabi ng tawagin na ako.
Nagpaalam na ko kay Dave.
Isang oras na ko sa loob ng opisina ni Dean nang magbukas itong bigla.
Pumasok ka na hinihingal at pawis na pawis. Tumitig ka sakin--pagkatapos ay kay Dean. Agad naman akong nagpaalam kay Dean dahil tapos na rin naman ang pag proseso ng paglipat ko.
Paglabas ko ay nandun pa si Dave.
"Tapos na agad?" Tanong nito sakin.
Tumango naman ako at nagpaalam na mauuna.
"Sige." Ngumiti rin ito sakin. "Hindi pala umabot." Narinig kong bulong niya bago ko siya talikuran.