Thank you guys for putting this at rank #296 in Short Story category. It means a lot :)
______________________
Kagabi, patulog na sana ako. Kaso bigla akong nakatanggap ng text sa hindi ko kilalang numero.
From: +639167927xxx
:'(
Tanging yan lang ang nakalagay sa mensahe.
Inisip ko na lang na baka nawrong send lamang iyon. Wala naman kasing nakakaalam ng number ko maliban sa eskwelahang pinapasukan ko at sa adviser ng nakababata kong kapatid na si Justin. Kahit minsan ay wala pang nagtangkang humingi ng numero ko sa mga kaklase ko o schoolmate man lang.
Okay na rin yun. Hindi rin naman ako mahilig magtext.
Ilang minuto pa ang lumipas nang makatanggap muli ako ng mensahe galing ulit sa hindi ko kilalang numero.
Nagulat ako sa pangalawang mensahe niya.
From: +639167927xxx
Tangina! Ba't kasi ang hirap mo?
Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang replyan o ano. Pero mas pinili ko na lang na ipagsawalang-bahala.
Pero hindi ko maikakala na tumagos sakin ang kanyang pangalawang mensahe.
Bakit nga ba kasi ang hirap ko? Hindi tuloy ako nababagay sa isang tulad mo.