Teka Isa munang masusing pagninilay-nilay....
Maswerte ang mga kabataan sa panahong ito, sa prosesong halos lahat na ng hahanapin at kakailanganin nila ay andidiyan na. Nakakagulat ang mabilis na pagbabago sa paraan ng kanilang kultura at "lifestyle". Maligaya ako para sa kanila na maranasan ang isang buhay ngayon na kung saan malaya silang tahakin anuman ang kanilang nais: Nakapag-kakape sa napakamamahaling over-rated coffee shops, nakapagseselfie kahit saan: yun yong makabagong tema sa pagkuha ng sariling imahe sa litrato ngayon, pero sa henerasyon ko ay isa itong pagsasayang ng "negatibo/ negative" na aking Kodak noon –google niyo. Malaya silang nakakapag-usap saan man dako ng mundo, siguro nawala na sa dictionary o vocabulary phrases natin ito: "I miss you!", hindi na tayo siguro maniniwala kung sasabihan tayo nito kasi isang upuan na lang pwede na silang makipag-usap sa kung kani-kaninong Nasyon: Amerikano, Koreano, Intsik, yung kuya sa kanto, yung aleng nagpapa-load, yung batang hindi pa kumakain ng agahan at nag-iiyak sa gutom at kung sinu-sino pa.
Noon pen-pal o sulatan pa ang atake pero ngayon mas lalo pang pinabilis at nabigyan ng mas ma-romantikong aspeto ang komunikasyon. Magmula sa text messaging, skype, emailing atbp. Modernong pamamaraan ang pakikipag-usap ay posible nang lahat. Malaya na silang naipapahayag ang ekspresyon nila sa pananamit kaya malaya na rin ang mga suliranin na maghimasok sa lipunan gaya ng pang-gagahasa o di kaya prostitusyon.
Kawalang balanse ng pag-iisip at kakulangan ng konserbatibong pamamahayag sa kabila ng kalayaang pinagkaloob, lubhang mapanghusga ang pagbibigay ngayon ng ideya ng mga kabataan lalo na sa umuusbong na kaginhawaan sa mundo ng teknolohiya. Tila hindi ito kasanayan ng responsibleng kalayaan. Isa lang akong ordinaryong taong sumusulat at nagsusuri sa kasalukuyang modernisasyong tinatamasa natin ngayon. Masyado na palang 'malaya' kung susuriin.
Sa kabutihang dulot ng 'internet' sa kabilang aspeto ay kung saan ang impormasyon ay abot kamay na sa loob ng hindi hihigit sa isang minuto kaya ang dali ko ng ulit-ulitin ang awiting tumagos sa dibdib ko nang narining ko ang mga tugtugin ng "Speed, Glue and Shinki" so inullit ko din ito sa YouTube kaya huwag ng makulitan, ganyan din naman ginagawa niyo sa kanta ni Justin Bieber, Taylor Swift, Miley Cyrus, Lady Gaga, Nikki Minaj at kung sino-sino pa; ay One Direction nakalimutan ko sorry fans! play lang ng play hanggang sa pagsawaan nyo na; kaya patas na. Oo kilala ko silang lahat salamat Google at Wikipedia. Sila ba kilala mo? Ang bandang Juan Dela Cruz, Asin, Freddie Aguilar, Joey Ayala, Noel Cabangon, Dong-Abay? , Bayang Barrios?
Buweno ganoon naman pala kaigting ang ating mga tenga pagdating sa sining, isang aspeto lang ang musika at marami pang ibang kinapupugaran ang mukha nito. Ganito kahalaga ang 'Sining' sa buhay ng mga nakaka-intindi ng daloy nito sa buhay nating mga Pilipino. Medyo nakakabahala na lamang dahil sa sadya sigurong pumapasok na ang nakakaligaw na hatid ng makabagong sining sa modernong siglo na siya naman unti-unting lumilimot sa puso at isipan ng patuloy na naghihingalong katayuan ng sariling kaayusan ng ating local na kultura laban sa umuusbong na popularisasyon at komersyalismo sa lipunan ngayon.
Naisip niyo na bang pumunta sa National Museum, National Library, hindi dahil sa field-trip o required ng guro. Buti nga naging libre na daw ang pagpasok dito pero hindi forever, at wala talaga sigurong "forever." Mabuti pa sa Singapore makikita mo ang mga bata at matatandang laman ng kani-kanilang 'community libraries' hindi upang magpalamig sa aircon o magdubsmash, (buhay pa ba candy crush?) undi upang mag-basa. Ngunit itong Singapore ay isang tila malaking ospital; nakakapanghilakbot ang katahimikan at nakakapanatag nitong kalinisan, maayos ang pamumuhay ng mga taga-rito ngunit ang mga kaibigang kong OFW? Nakikita ko ang kanilang pagsuong sa panganib at tanging lakas ng loob ang kanilang ibinabaon kapalit ng salaping hinding hindi nila kailanman mahahawakan sa sariling bansa. Totoo man ito o hindi ang bansang gaya ng Singapore ay may kakulangan sa pagpapangalaga ng orihinal nitong kultura, hindi sapat pasukin ang mga museum, mga teatrong nagpapalabas ng mga katutubo nilang kaugalian pero nasubukan na ba nating tanungin sa mga sarili natin kung bakit sa kabila ng naglipanang mga Artista, Indie Films, "OPM" Artists ay tila wala namang kurot o hindi parin tayo magising gising sa mga awitin ni Justin Bieber na akala ko noong una ay yung "Daniel PAdilla"? Hindi ka magiging masaya kung hindi mo kilala si Vice Ganda kaya lalong ang gulo-gulo ng utak mo sa tuwing hindi ka makakanood ng "MArimar." at kung alin-aling kau-ululan napapanood ngayon sa T.V ait internet.
Teka lalabas na lang ako ng bahay, pupunta ako ng computer shop. Basic necessity ang 'internet' pero dahil sa negosyo at sa pagpapayaman ng mga may-ari ng telecommunications company na kailangan pang yung pinakamahal na singil ang i-availpara lang magkaroon ng maayos na serbisyo o internet connection which depicts "service comes first then eventually business comes right after we satisfy you." Ganyan ang bansa mo, bansa natin. Salamat na lamang masaya ka parin at nakakakain tatlong beses sa isang araw sa kabila ng lahat ng ito. Salamat at nakakapag-Dota ka parin din at nakakapagbabad din sa Facebook, You tube at hanggang sa mapudpod ang mga mata mo sa katitingin ng imahe ng kung sinu-sino hanggang sa nakikita ko na ang butas ng bungo mo sa pagkakalalim ng mga mata mo gawa ng ka-awa aw among pag-galugad sa news feed ng social media accounts mo.
Pag may time subukan din nating mag-pasok ng kaalaman o magpasok ng karunungan kahit wala si teacher o kapag rises. Ipasok natin sa isip ang mga katagang binitawan ni Francisco Sionil José: National Artist for Literature na "Hindi kasi tayo nagbabasa kaya hindi rin tayo nakakapag-isip." Huwag kang mag-alala aminado rin ako sa kanyang sinabi kaya susubukan ko pa lang mg-swimming sa library matapos itong sinusulat ko.
"Its more fun in the Philippines?" Bago na yata dapat: "Its more fun in the Philippines showing images of Computer-shops, at Smart phones." A popular culture abuse in a sense.
Bukod sa Aso isa rin daw sa "mapagkakatiwalaang kaibigan" ang tala-arawan, may ilang aklat na ngang naisulat na bumibida sa mga ito. Isa itong pagbubuo ng sariling kasaysayan ayon ito sa manunulat na si Christina Baldwin. Wala rin itong pinagkaiba sa Bibliya na isang hanay ng mga manuskripto na tumatala sa impresyon at naging buhay ng mga disipulo ni Hesus mula noong hindi pa siya pinadadala mula sa langit hanggang sa mamatay siya sa krus at muling umakyat sa kalangitan. Hanggang sa ika 17th century nagsimula ang pagtatala sa mga pribado at pang araw-araw ng buhay sa pangyayri ng isang tao. Isa ang journal ni Samuel Pepys na nagsiwalat at tumuligsa pamamahala ni Charles II na isang Ingles, si Anne Frank na nabuhay sa kalupitan sa kanyang kapwa hudyo ng mga lupon ni Adolf Hitler at nagpahirap sa mga ito ay napatunayan sa kanyang tala-arawan o diary. Karaniwang tinatala ang mga pangarap, mithiin o mga hiling na siyang tapat mong inihahayag gamit ang panulat at papel. Sumasalamin ito ninanais mong estado at disposisyon mo sa buhay maging sa lipunan.
Anong itatala mo sa kasaysayan mo? Kung wala nevermind, huwag na lang siguro bumalik ka na lang sa computer shop mamaya.
Nais kong ipakilala sa inyo si Ronaldo Delos Reyes na siyang magsisimula, magpapakilala at bubuo sa titulo ng kwentong ito.
=================================================================================
Published: Monday August 10, 2015 9:52PM
Itutuloy....
All rights reserved
BINABASA MO ANG
Ragasa 1898
Historical Fiction1898: Taon na inakala ng lahat ay ang pagtatapos ng pagdurusa ng marami sa nakaraang mahigit tatlong siglo sa ilalim ng pananahan ng Espanya. Mula sa pagkasawi sa laban ng mga rebolusyonaryo sa Maynila at hindi nagtagal ay ang pagsunod na pagkakagap...