7. Ang gawa-gawang Takot

15 0 0
                                    

Oktubre 1897

Hindi ko lamang basta hilig ang magpinta, minahal ko na ito na parang isang dalaga na kailanman ay hindi mo kayang saktan at gagawin ang mga bagay upang maipahatid na ako ay hindi karapat-dapat para sa kanya pero kahit anong marubdob kong pagmamahal sa lipunang ito ay sadyang mga mayayaman o mga may "bahay na bato" lamang ang may pagkakataong maipakita sa madla ang kanilang mga likha. 

Subalit oo lubos ko namang kinalulugdan ang sariling tema nilang sining dahil hindi ito dapat nagdidikta sa anumang katayuan mo sa lipunan pero bakit ang mga anak ng haciendero lamang at mga nakakapasok sa ibang bansa gaya na lamang ni Maestro na nakapag-aral sa Paris.

Batid ko na marami silang nabigyan ng oportunidad maipakita ang kanilang mga galing at tanging sila lamang ang nakakayanan na makilala at masuportahan? 

Hindi ba dahil sa ito'y umaayon sa kung ano ang sinasabi ng mga prayle at ng Espanya?

Hindi maikakailang ang talento ay minana ko sa aking butihing ama pero ang hindi alam ng ibang tao ay ni minsan hindi niya ako tinuruanng gumuhit binigyan niya lamang siguro ako ng inspirasyon sa pag-guhit at pagsulat pagkatapos ng magdamag na trabaho niya sa encomienda pero mula noon ay hindi ko na alam kung ano ang kanyang trabaho mula ng umalis siya sa pagiging "kolektor ng buwis sa pamahalaan" dahil sa base sa aking ina ay ang mga taga bayang nagmumula sa Maynila ay hindi na nagagawang pasahurin ang mga manggagawang kolektor ng mga buwis at isa na doon si ama.

Pero sa ni minsan hindi siya nagkulang sa amin subalit tila nararamdaman ko ang paglayo ng aking loob sa aking ama simula ng nilisan niya ang kanyang trabaho.

 Isang mapag-aruga at nasyonalismo ang pag-iisip ni ama at sa aking pagakakawari ay ang pagsisilbi sa publiko ang napili niyang gamitin sa pagpapahayag; hindi kaya ang pag guho ng kanyang pagiging nasyonalismo na kanyang inaakala ay naging dahilan upang lisanin niya ang pagiging kulektor ng buwis? 

Mula sa pagiging kulektor ng buwis ay naging trabahador na nga siya sa konstruksyon sa tulay.

 Sa kabila ng lahat ay ang si ina ang simula noon ay nagsilbi ko na rin namang inspirasyon pagdating sa pagkuha ng ideya at pagkuha ng lakas bago ako magsimulang magpinta. 

Hindi lamang iyon, ang pagsusulat ay siyang aking naging suplememento sa pang-araw araw na buhay naming sa probinsya. 

Tinatala ko hindi lamang ang mga mabubuting pangyayari, may misteryoso at mahihiwaga rin naman gaya na lamang ng bali-balitang paghasik ng takot ng mga nilalang na diumano galing sa ilalim ng lupa. Kay raming kwentong bayan ang kumakalat.

Mga aswang kung tawagin na kumakain daw sa mga manok at mga alagang baboy ng mga taga baryo. 

Nakakatawang isipin na inilalarawan nila ang aswang na kagaya ng hugis ng isang tao pero papano naman kaya ito magkakasya sa kumakalam na sikmura ng aswang ang napababalita namang buwaya daw na kinaen ng aswang? Hindi na makatotohanan. 

Siguro hindi literal ang pagakakaintindi ko dito. Malamang ang 'dugo' lamang ng mga buwaya ang bumubuhay sa mga 'aswang' na ito.

Habang sinusulat ko ang ganitong klase ng kuwentong katatakutan ay tila ba isa itong kuwento ng katatawanan para sa akin dahil sa nakikita ko noon na hindi kaya isa lamang itong paraan ng mga taga Baryo upang takutin ang pamahalaang Espanya sa bayan para gawing madalang ang pag-iikot ng mga gwardiya sa kailaliman ng gabi?

 Marahil sila ang mga buwaya at kami ang mga aswang? 

Hindi kaya ito ang ibig ipakahulugan nito?

Ang pagsusulat ay talaga namang kinahiligan ko na rin. Hinihiram ko lamang kay ina ang mga ekstrang panulat o pluma ng kanyang among Intsik na si Shi Tsao. 

Sa katirikan ng araw ay ang aking ina lamang ang nagpapawi ng aking takot sa sandaling makikita ko ang mga guwardiya sibil na tinatadyakan at hinahampas ng mahahabang 'kahoy na may bakal' ang pagal na katawan ng mga nagsasaka sa di kalayuan.

Hindi ko naiwasang tanungin si Inang. "Bakit nila ginagawa iyon? Hindi ba sila nagagawang matakot sa mga kumakalat na kuwento ng aswang? 

Isang uri ng usap-usapan na nagsisilbing metaphor/ metapora o simbolo na ang pagkakakilanlan ko sa buhay ng mga panahong ako'y isang musmos pa lamang at humihingi ng mga kasagutan sa simpleng tanong. 

Hindi lingid sa akin ay naitatala na pala sa kasaysayan. Marami ng nagsasabi noon na malapit na daw umalis ang imperyong Kastila. 

Sino ba ang papalit? 

Pilipino rin ba? 

Hindi ba sabi na ang Kastila ay Pilipino din? 

Dahil ba na dito sila namumuno? 

Kami ba ay maituturing na Pilipino rin? 

Ito lamang ang nasabi ni inang: 

"Mahirap na ang maraming nalalaman anak." 

Nasaan na si ama? bakit sa mga nakaraang araw ay nagpupunta siya sa ilog kasama ng ilang taga bayan? Bakit hindi niya ako nagagawang isama sa kanyang trabaho? 

Ang inyong ama sa ngayon ay importante hindi lamang sa ating pamilya kundi sa kung sino ang kinakailangan ngayon sa lipunan na naghahanap ng kalayaan at pagkakapantay-pantay.

Mula noon hindi na ako nagtanong pa ng malalim tungkol sa mga usaping iyon. Samantalang tahimik lang si Susan habang nakikinig at kumakain, bumabalik ang saya ko sa twing makikita ko ang aking kapatid na sarap na sarap sa piraso ng kamote at isdang inihain ni inang. 

Sa pamamagitan niya naiisip ko sa tamang panahon masasagot din lahat ng mga katanungan ko.

Ang mga kuwentong aswang ay tuloy pa rin... Nakasisiguro ako paraan namin ito upang bigyang takot ang pamahalaan at aking nararamdaman ang nalalapit na mga kasagutan sa aking mga samut-saring mga tanong. 

Sa aking sarili, sa aking pamilya, at sa Lipunang ito.

Ragasa, Ramon, 1897

======================================================================================

Published September 1, 2015 6:09 PM

Ragasa 1898Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon