2. Maestro

45 1 0
                                    

"Hindi ito isang pangkaraniwang aklat, ito'y naglalaman ng mga manuskrito ng tala sa mga iba-ibang sitwasyon at pangyayari, hindi rin naman ito isang "Tala-Arawan" dahil sa hindi arawan ang mga petsang nakatala. Sa aking pag-susuri ay importanteng mga tagpo lamang ang mga nakasulat."

Sino ang sumulat nito? 

Hindi na ko marahil magugulat dahil sa lagda ng Tata Ramon: Ito ang kanyang piling talambuhay kung tawagin, sariling pag-oorganisa ng mga impormasyon sa kanyang sariling buhay. 

Ang sabi nga "Winners are the one who writes History." Ma-aari kayang kwento ito ng mga tagumpay ng Tata Ramon? 

Hindi ko makayang manghusga subalit ang mga natatanging impresyon ko na ang mga Pilipinong "Alagad ika nga ng Sining" ay mayroong mga nagkakaisang buhay na kasing tulad sa hirap ng isang pobreng Indio; masakit na maikumpara sa buhay ng isang kahabag-habag na pobre na walang ibang hiling kundi ay ang maging makabuluhan at mabigyang katarungan laban sa nag-iisang binging lipunan. Nakalulungkot sabihing ang "Sining" ay ipinakikilala lamang sa mga mestizo, mga nakapaglakbay at nakapag-aral sa Paris, sa Pransiya, Sa Italya, Espanya at kung saan-saang lupalop ng mundo; hindi ba Pilipino rin ang mga ito? 

Ngunit hindi lahat ay matatawag na tunay na Pilipino. Kung may depenisyon na maihahandog ang Pilipino ay hindi ito yung mga kastila, Amerikano, Hapon, Malay, Indones, o Intsik na ipinanganak dito sa Pilipinas ay maituturing ko ng Pilipino. Oo maaaring sabihing sa puso at damdamin ay Pilipino sila subalit paano ba sila nakakapaghandog ng kontribusyon sa ikabubuti ng lipunan? Pero baka ako ay nagkakamali dahil kung sino pa ang hindi tunay na Pilipino ay siyang nakakaintindi sa totoo at tunay na suliraning nag-uugat sa mga kapariwaraan ng mga pobreng Indiong anak ng banal na Hesukristo ng simbahang Kristiyano.

Lumalalim na ang gabi at matatapos na ang hatinggabi ngunit tuloy parin ang liwanag na nangagaling sa mga ilaw ng parol sa gitna ng makipot na kalsadang Bautista na siyang lalong ikinasikip gawa ng espesyal na prusisyon mula sa Plaza Quiapo ng Parokya ng poong Nazareno sa kabila ng puspos na maigting na mga gumagalang mga militar sa kakalsadahan. Napagpasyahan narin ng mga bisita na magsiyaon at umuwi na. May isa pa namang araw na nalalabi sa exhibit kaya maaari pa namin ni inang makadaupang palad ang iba pang mga kaibigang hindi pa nakakadalo.

Ang aklat?, ang aklat ng buhay nga ng Tata Ramon ang maaaring nakapaloob sa manuskriptong ito. Hindi sapat para sa akin ang kwento ng Tata sa akin dahil nalalaman kong may mga bagay at mga pangyayaring hindi niya inilahad o kaya ay hindi na niya sinasadyang makalimutan. May kakapalan ang kabuuang hugis ng aklat, minabuti naming ipaubaya ang unang pagbuklat mula sa mga malalambot, makinis parin at kayumangging palad ng artistang si Nelia del Castillo ang ngalan na nananatiling mahiwaga at misteryoso ang kanyang pagkatao sa aming mag-ina.

"Flashback scene....."

Agosto, 1894

Sariwa parin sa aking ala-ala ngayon ang mga pangyayari sa loob ng dalawang taon din na namalagi ang aking musmos na pangangatawan sa isla; lubos ang ligayang naihandog sa akin ng paninirahan sa maliit na ekwelahang ito. Ang dalawang taong pagpasok sa eskwela  ng aking maestro ay tila ilang maraming taon na karunungan sa maagang edad ang aking angkin ngayon dahil bibihira lang ang natutururuan ng maestro sa mura kong edad. Tanging siya lamang ang nakapag handog ng progreso at maiging pagbabago sa mga taga isla sa aspeto ng irigasyon, pagsasaka, pagpapalinis sa kapaligiran upang maiwasan ang sakit na malaria, at pagpapailaw sa dati daw nitong kadiliman sa tuwig sasapit ang gabi; lahat ng ito ay inihandog ng maestro sa  kabila ng istriktong panrelihiyon at "moralidad" na ikinapahihigpitang pamamamalakad nila Padre Pastells at Padre Obach na sadyang mainit ang dugo sa aming maestro.

Ragasa 1898Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon