Hindi matatawaran ng sinuman ang aking mga natutunan sa islang iyon, malaki at hindi pangkaraniwan ang mga bagay na aking nasilayan na maaari sigurong hindi ko na muli pang mararanasan. Alam kong hindi ito isang panaginip, hindi isang ilusyon at bakit pa ako mag-aaksaya ng oras sa islang iyon? Tama na ang paglisan ko sa kagustuhan nila inang at amang. Bukod sa munting bahay ng karunungan ay hindi lingid sa iba na iyon ay pugad ng mga taong labis ang pag-asa sa mabubuting tulong ng maestro sa kanila samantalang hindi naman sila makatanggi sa dikta at singhal ng mga punong tagapamahala sa Parokya na iwasan ang aming guro.
Wala na sa paningin ko ang isla, nawala na rin sa kalungkutan ko ang mga ala-ala ng lugar na iyon, walang pag-asa sa islang iyon sa oras na lumisan na rin ang guro, at lalong walang pag-asa ang mga taong naninirahan doon kung mabubuhay sila sa dikta at takot, oo mabait sila sa aming guro pero hindi magtatagal mapapabayaan at masisira lahat ng mabubuting nagawa at naimbag sa ikabubuti ng kanilang buhay; magkakaroon ng sakit dahil sa pagkarumi ng tubig na naiinom, at hanggang hindi natatapos ang sermon, pagluhod at pagsamba sa mga huwad na imahe na talaga bang kinalulugdan ng Maykapal?
Malakas ang paghampas ng Alon mula sa likod-pagilid ang inaasal ng tubig; may ilan ng nagduduwal at nagsusuka na sa mga sulok, ngunit kami ni amang at nanatiling hindi magalaw upang hindi maalog ang aming mga sikmura.
Makalipas ang limang araw nang nasapit namin ang Kabite dahil sa hindi maiwasang pagdiskarga ng mga bultong bawang sa isang islang aming hinintuan ay pangkaraniwan na ang mga Intsik ang sa kanila ay sumsalubong.
Itong mga Intsik ay nakasisiguro akong hindi sila Pilipino, ibang iba ang itsura nila sa mata pa lang at kay hilig nilang lumagi sa mga pantalan na tila wala namang hinihintay, marahil itong bulto ng sako ng bawang nga ang kanilang inaabangan. May nakakapanghilakbot namang isla kaming hinintuan; hindi bawang kundi mga kakatwang tuyot na dahon na mga nakabigkis ang diniskarga; madilim ang pantalan sa islang iyon, walang pinagkaiba sa ibang naunang isla kundi mga Intsik din ang tumanggap ng bagahe, subalit sa islang ito ay mga Intsik na tila masayang Masaya na parang wala naman dahilan, mas lalo silang natuwa ng dumating ang Bangka namin."Opyo", anak, yang mga Intsik na iyan hindi ko din masisi ang mga nalululong sa Opyo nang dahil sa mga abusadong mga Intsik na iyan na naunang nalulong diyan at ibig pa nilang idamay ang kababayan natin! Pabulong na sambit ni ama sa kanyang sarili.
Ama, nabanggit niyo ang tulay 'Puente' na malapit nang matapos sa ating bayan?
Oo Ramon, isang "tulay" na ang magsisilbing koneksyon sa magkahiwalay na 'ideyolohiya', subalit hindi nila nalalaman ng mga mangmang na gobernador at mga prayle na nagkakaisa na ang mga bayang iyan! Mga ipokritong mga prayle, mga hangal na gobernadorcillo; sila ang nagdadala ng kamangmangan at nagdudulot ng mga salot, sila'y nagpapasarap sa mga kumbento at makikita lamang sa simbahan tuwing linggo para lamang mag-misa at tumanggap ng mga sailipitang abuloy. Araw-araw silang nasa tahanan ng gobernadorcillo at nakakalabas masok ng hindi man lang natatanong ng mga guwardiyang bantay.
Ang lahat ay abala sa bagbubukas ng tulay kasabay ng papalapit na araw ng Semana Santa.
Ragasa, Ramon
Abril, 1896
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bahay Nakpil Disyembre 1985
Ang maestrong ito, hindi maikakailang kilala sa Manila at sa mga aklat ang gurong tinatangi ng uncle Ramon: ang bayaning illustrado-Mercado na si Jose Rizal.
Subalit tulad din ba ng kanyang maestro ay dinala din ba niya ang kawalang pag-asa sa muli nilang pagbabalik sa Kabite sakay ng bangkang Butuan? Nagpupuyos sa galit ang kanyang ama sa mga Intsik at maging siya naman ay natutuya sa mga taong bayan sa islang Dapitan.
BINABASA MO ANG
Ragasa 1898
Historical Fiction1898: Taon na inakala ng lahat ay ang pagtatapos ng pagdurusa ng marami sa nakaraang mahigit tatlong siglo sa ilalim ng pananahan ng Espanya. Mula sa pagkasawi sa laban ng mga rebolusyonaryo sa Maynila at hindi nagtagal ay ang pagsunod na pagkakagap...