Ina'y nais kong pumasyal sa bayan maaari ho ba?
Hindi sumagot ang aking ina dahil siguro abala sa pag-aayos ng mga papel na ipambabalot ng mga paninda na siyang dadalin sa lungsod.
Inang hindi ba delikado na sa lungsod sa mga panahong ito?
Ang negosyanteng Intsik ng aking ina katulad ni Shi Tao ay lubhang napakabait sa aming pamilya sa kabila ng inis ng aking ama sa mga Intsik gawa ng pag-aangkat ng Opyo na sumisira sa buhay ng mga taga probinsya at bali-balita na laganap na ito ngayon sa Maynila.
Subalit malugod at tapat ang paglilingkod ng aking ina sa matandang dalagang Intsik;
Alam ko anak ang kaguluhan nangyayari ngayon sa Maynila, subalit kami na mga ordinaryong negosyante lamang kasama ni Shi Tao na marangal na nagtatrabaho ay may malakas ang pananampalataya sa kanyang Diyos at atin namang mahal na birhen ng Guadalupe.
Ako rin marahil ay nag-aalinlangan tumuloy ngayon sa lungsod subalit bilang inyong mga magulang katulong ko din ang iyong ama sa paglinang ng inyong paglaking magkapatid lalo na pareho kayong kapwa hindi pa nahahanda na suungin ng mag-isa ang buhay.
Hindi ko maaaring pasakitan ang damdamin ninyong magkapatid ang magiging kapakanan niyo pagdating ng hinaharap kung hindi namin magagampanan ng maayos ang aming responsibilidad sa inyo sa kabila ng nagbabadyang pag-alis ng pamahalaang Espanya.
Laganap na ang pagbebenta ng lupain ng mga Kastila lalo na ng mga simbahang nagmamay-ari ng palayan sa mga illustradong mga taga-Baryo, marami ang nawawalan ng trabaho dahil sa paghina ng pagsasaka gawa ng nalalapit na pagdating ng mga Amerikano sa Maynila.
Habang patuloy kami sa pag-aayos sa mga basket na naglalaman ng mga pinatuyong isdang Salinas na huli ng mga mangingisdang taga Bakood ay namayani sa mura kong kamalayan ang mga sinabing iyon ng aking ina.
Pagpapakasakit sa kabila ng paungos sa panganib at pangamba at hindi dapat kinakatakutan.
"Ina hindi mo pa sadyang sinasagot ang tanong ko, maaari po ba akong magtungo sa bayan?"
"Ramon pwede mo bang lisanin ang tahanang ito ng nag-iisa dito si Susan? Hindi maaari
Maliit pa ang iyong kapatid kung ikaw lamang mag-isa ay papayagan kita. Mabatid mo sana Ramon ang ilang magiging pagbabago simula sa ngayon.
Kung dati sumsakay ako sa kalabaw ni Ka-Hener papuntang palayan upang makipaglaro, sa pagkakataong ito ay si Ina lamang ang muling lilisan.
Kahit papaano naman ay dinadalangin ko naman sa maykapal ang kaligtasan ng aking pamilya maski noon pa man ako nasa isla Dapitan pa.
Habang papalayo ang sinsakyang caleza ng inang na papuntang pantalan kung saan naghihintay ang bangkang pa-gawi sa Maynila ay hindi ko maiwasang titigan ang makipot na daan kanilang binabagtas patungo sa kabayanan.
Ako'y muling bumalik sa kubo at datnan ang aking kapatid na nakatulog na sa sarap ng simoy ng hangin. Ako naupo sa isang sulok at nahiga subalit ako'y nagpasulyap sulyap dahil hindi ako mapakali at nais kong may gawin.
Wala ako sa kundisyong gumuhit, ano kaya pwede kong gawin?
Marikit ang kalangitan, hindi nagbabadya ng ulan dahil sa katamtamang sikat ng araw, nasisilay ako sa paglitaw ng luntian at tumatagal ay siya namang nagpapalamig sa aking mata.
Naisipan kong damhin ang biyayang dala ng malamig at malakas na simoy ng hangin kaysa sa gumuhit sa mga oras na iyon ay gumawa ako ng Saranggola.
Tila sabik ang kapatid kong si Susan na matapos ang Saranggola
"Ito ang Guryon hindi ito kasing bigat ng bato dahil maari itong tumaas ng labis na matayog sa gitna ng langit at nagsasayawang hangin"
Sumunod sa akin ang yagit at wala pang kamalay-malay na kapatid dahil sa masidhi nitong kasiyahan sa kanyang nakita. Wala pang gaanong ipin si Susan pero ang mga ngiting iyon ng isang inosente ang nagbigay sa akin ng saya.
Takbo, Takbo pagawi sa gitna ng mga tuyung-tuyo kabukiran. Salamat sa sariwang hangin magdudulot ng biyaya sa pagtayog n gaming Guryon.
Dalawa kami ni Susan hawak ang manipis na lubid. Pasalamat na lamang at naiwan ni ina ang panali ng Intsik na ginamit namin sa Guryon.
Malakas ang ihip ng hangin na lalong nagpaibabaw at nagpataas pa at lalo pang lumiit ang aming pag-aninag sa diyamante.
Sa sobrang lakas ng hangin ay bumigay at naputol ang tali, napigtal mula sa aming pagkakahawak. Masayang masaya ka parin aking kapatid ngunit hindi mo lang alam hindi na magbabalik ang diyamanteng iyon, lumayo na parang nilimot ka na panghabang buhay,
Hindi mo lang alam na unti-unti na sa iyo itong nagpapa-alam at bakit masaya parin kaya ako sa kabila ng pagkawala ng saranggola?"
Para akong isang baliw, patuloy naman sa paglundag si Susan at hindi na namin maaninag at nawawala na sa aming paningin ang diyamanteng aking nilikha na sa sumadaling pagkakataon at oras na bigla na lamang lumisan.
Ang tanawin ay muling tumahimik sa nilikhang katahimikan ni Susan matapos hindi na niya nakita ang Guryon. Subalit ilang sandali pa ay biglang umiyak si Susan, biglang humagulgol sa pagkadismaya marahil matapos sa labis na katuwaan ay nakaramdam siya ng kalungkutan at pagkapagod.
Nadama ko ang pagtangis na iyon ng aking kapatid na si Susan, naisip ko kung bakit na dahil darating ang isang araw masisira rin iyon sa ibang paraan, hindi man sa ngayon babagsak iyon sa dagat at sisirain ng tubig at magkakapira-piraso.
Nasilaw ako sa tindi ng sikat ng araw, hindi ko maialis ang mga mata ko sa pagkakatitig sa umaapoy na sikat ng araw; bakit hindi ko maialis ang mga mata ko? Tila nasusunog na mga mata ko, sumasakit na parang may nakahawak sa aking ulo na nagpapanatili sa pagtitig ko sa sikat ng araw, napasakit na hinanap ko si Susan, tinatapik niya ako at ang sabi: Kuya Ramon, Kuya Ramon!
Gumising ka nananaginip ka!
Naka-alis ako sa isang tila una ay maganda hanggang sa masamang panaginip, malapit na palang magsapit ang dilim! bumangon ako sa aking kinahihigaan at nakita ko ang aking ina papalapit sa akin.
Ramon, kamusta kayo ni Susan? Marahil huling dayo na namin iyon sa Maynila anak. Pumasok si ina at naupo matapos ilapag ang bilao kanyang dala-dala. Ina nakakapagsalita na si Susan! Nagkaroon ako ng kakaibang panaginip at si Susan ang gumising sa akin. Nagpapalipad daw kami ng Saranggola pero napigtal daw po ang tali at lumipad paitaas pa lalo at hindi na namin nakita pa.
Tila may nais ipahatid ang panaginip mong iyan anak. Halika nga tulungan mo ako sa paglikha ng apoy para makaghanda na tayo ng makakain. Ang ama mo andidiyan na ba?
Wala pa po siya. Lumapit si ina sa pintuan at tumingin sa di kalayuan ngunit ang kanyang mga mata ay kabaligtaran ang sinasabi, nag-aalinlangan at tila malayong-malayo ang iniisip.
Wala parin si Ama, hindi pa siya umuuwi.
=====================================================================================
Published August 28, 2015; Friday
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Ragasa 1898
Historical Fiction1898: Taon na inakala ng lahat ay ang pagtatapos ng pagdurusa ng marami sa nakaraang mahigit tatlong siglo sa ilalim ng pananahan ng Espanya. Mula sa pagkasawi sa laban ng mga rebolusyonaryo sa Maynila at hindi nagtagal ay ang pagsunod na pagkakagap...